Chapter 04

13.6K 399 4
                                    


Bahay

Kinabukasan ay nakalabas na nga ako sa ospital. Halos tumakbo pa nga ako sa basement at umikot ikot habang nakatingala sa langit. Nakalabas na ako!

Habang nasa biyahe kami ay panay ang tingin ko sa mga nada-daanan naming mga building. Hindi ako maka-paniwalang ganito pala ka ganda dito. Para tuloy akong ignoranteng tao kung titingnan. Pero dito kaya ako lumaki? Sanay na kaya ako dito noon? May mga magulang pa kaya ako? Sana maka-alala na ako sa lalong madaling panahon.

Nang makarating kami sa bahay ni John ay halos mapa-nganga ako sa laki nito. Isang mansyon na ubod ng ganda! Malaki din ang garden nila at parang prinsesa ka lang kung dito ka titira! Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga bulaklak. Ang ga-ganda nila parang gusto kong pumitas pero baka pagalitan ako ng nag tanim nito. Naki-kituloy pa naman ako dito. Baka kung anong isipin nila sa'kin. Baka sabihin nilang ina-abuso ko ang kabaitan nila. Ayaw ko nang ganoon.

Nang makapasok ako sa loob ay halos puro lang mga kasambay na naka uniporme ang nandoon. Sa labas ay mga guards. Wala ba siyang mga magulang? Siya lang ba ang nakatira dito? Kung siya lang, masyado 'tong malaki para sa kanya. Sobrang tahimik siguro dito.

Inihatid ako ng isang kasambahay sa ikalawang palapag, doon daw kasi ang kuwarto ko. Pati hagdanan ang ganda. Kulang nalang maging prinsesa ako at alalayan ng mga alipin. Charot.. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay malaki din ito. Puti lahat ng gamit. Para paring ospital kung titingnan. Dumiretso ako sa cabinet at tiningnan kung may mga gamit ba ako doon.

Tama ang hinala ko, mayroon nga at sobrang dami pa! Parang saktong sakto nga sakin e. Pati 'yong mga sapatos! Ang gaganda! Bumaling ako sa kasambahay na nasa likuran ko.

"Manang, maliligo lang po ako." paalam ko dito

"Sige po." aniya at lumabas na

Hindi naman masyadong matatanda ang mga kasambahay pero hindi ko rin naman alam kung anong pangalan nila kaya manang o 'di kaya ay ate ang tawag ko sa kanila. Malay ko ba at hindi ko matandaan ang mga pangalan nila.

Pagkapasok ko ng c.r. ay wala paring pinagbago. Malaki at maganda. Parang lahat yata sa mansyonn na 'to maganda e. Nag simula akong maligo. Mabilisan ang kilos ko. Suot-suot ang isang white spaghetti strap dress at flat shoes ay lumabas ako ng kuwarto. Medyo basa pa ang buhok ko.Dahan-dahan akong bumaba sa ingrandeng hagdan. Mala prinsesa lang ang dating.

Pero ganito rin kaya ako dati?. Ganito ba ang buhay ko dati? Sa sobrang daming iniisip ay hindi ko na namalayan na nasa labas na pala ako at patungo pa talaga sa garden! Nabuhayan ako bigla ng may nakita akong cute na puting aso na lumapit bigla sa'kin. Yumuko ako at hinawakan ang aso. Ang cute!

"Napaka-maamo mo naman." sambit ko

Umayos ako sa pagkakatayo at lumakad. Sumunod naman ito sa'kin kaya nasiyahan ako. Kahit pa-paano at hindi lang kasambahay ang magiging close ko dito. Pati na rin ang cute na asong 'to. Pinasadahan ko ng tingin ang mga ma-gagandang bulaklak na nasa paligid. Ang ganda talaga!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumitas na ako ng isang pulang rosas. Isa lang naman e! Inamoy ko iyon at napangiti nalang ako bigla.

Napawi agad ang ngiti ko ng biglang parang may pumutok na ugat sa ulo ko! Nabitawan ko agad ang rosas at agad napahawak sa aking sintido. Napangiwi ako sa sobrang sakit nito at napa upo nalang bigla sa damuhan. Biglang dumilim ang paningin ko at nanghihina na ako.

Anong nangyayari sa'kin?!

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now