Kabanata 2

274 6 0
                                    


“Goodmorning mi, Goodmorning di” agad na bati ko sakanila habang kumakain sila ng breakfast

“ready ka na bang pumasok sa bagong section mo?”

“opo”

“Mabuti naman kung ganon. Sige kumain ka na para maihatid ka na ng daddy mo sa school”

“okay mi”

Nang matapos na kaming kumain ay inihatid na nga ako ni daddy sa school. Saka ako nag lakad mag isa papunta sa building namin. BS Agriculture ang kursong kinuha ko, pag aalaga kase ng mga halaman ang naging libangan ko nung nasa bahay lang ako palagi. Nang makita ko na ang bagong classroom ko ay dahan-dahan akong pumasok sa loob saka ako naupo sa pinaka dulong upuan kung san walang mga nakaupo.

nagulat na lang ako nang may isang lalaking tumabi sakin “hi” nakangiting sabi nya agad sakin

“huh?”

“ngayon ka lang pumasok? Parang ngayon lang kase kita nakita”

“uhmmm. Oo galing ako sa 1-B tapos lumipat ako dito sa 1-A”

“ah. Ganon ba? Anyways I'm Calvin, Calvin Barcello” saka nya inilahad ang kanyang kamay para makipag shakehands

Hindi ko naman magawang tumingin sakanya dahil sa sobrang hiya ko “uhmmm. Kyra, Kyra Nicolas”  mahinang sabi ko sakanya pero hindi na ko nakipag shakehands sakanya

“uhmmm. Baka gusto mong hiramin yung notes ko may mga lecture na kase tayo kahapon”

“okay lang. Salamat na lang”

“baka gusto mong lumipat ng upuan? Dun sa bandang harapan mas masarap maupo don”

“ayoko. Sige ikaw na lang. Salamat na lang”

“ah. Sa bandang gitna baka gusto mo?”

“dito ko lang sana gustong maupo”

“ah. Sige! Sorry kung makulit ako”

“okay lang”

~Lunch Break~

Mabilis akong tumayo at nag lakad palabas ng classroom namin, at nang maka labas na ko ng pintuan ay nakasunod pa din sakin si Calvin.

“may kasabay ka bang mag lunch? Gusto mo ba tayo na lang mag sabay?”

“uhmmm. Okay lang ako. Salamat na lang” saka ako nag dere-deretso sa pag lakad

“kyra!”

Napahinto akong bigla nang tawagin nya nag pangalan ko saka ko sya dahan-dahan na nilingon sa likuran ko “bakit?”

“walang canteen dyan. Andito sa kabilang way” nakangiting sabi pa nya sakin

“ah. Ganon ba? Sorry hindi ko alam”  *dati kase andito ang canteen. Hindi ko naman alam nalipat na pala*

“tara sabay na tayo?”

Wala na kong nagawa kundi sumabay sakanya, mukha naman syang mabait at friendly, at gwapo din sya. Tall, dark and handsome sya pero halata sakanya na matalino din sya. yun nga lang medyo naiilang lang ako ng konti dahil sanay ako na si mommy at daddy lang ang kausap ko. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa canteen, napaka daming tao dito hindi na yata ako sanay makakita ng ganitong kadaming tao kaya na kayuko lang ako habang nakatago ako sa likuran ni Calvin. Kaya nagulat na lang ako nang biglang humarap si Calvin sakin at mabangga ako dibdib nya.

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon