Kabanata 26

101 2 0
                                    


-Calvin’s POV-

“Calvin?” ani Minton

“huh?”

“sorry pala sa inasta ko kanina” pag hingi pa nya ng sorry sakin

“wala na yon insan” saka ako ngumiti sakanya

“salamat insan” saka din sya ngumiti sakin

“ayiiiiiieeee! Ang sweet nyo” nakangising sabi naman ni Alice

“Tara mag celebrate tayo” aya pa samin ni Minton

“celebrate?”

“mag celebrate tayo dahil, nalaman na natin ang totoo”

“uhmmm. Pasensya na, bukas na lang siguro gusto ko na din umuwi eh”

“ah. Ganon ba?”

“ikaw na lang Alice sumama samin” aya naman ni Amara kay Alice

“naku. Kung hindi sasama si Calvin ayoko na din sumama, ayokong maging shopperon nyo no!” natatawang sabi pa ni Alice

“Osige. Kami na lang muna lalabas ni Minton” - Amara

“oo nga. Matagal kayong hindi nag kasama kaya sulitin nyo na”

“sige. Una na kami”

*Pasensya ka na Minton pero hindi ko kayang  i-celebrate ang pag kawala ni Kyra*

“bakit ayaw mong sumama?” - Alice

“pano ko mag ce-celebrate ng wala si Kyra? Para naman akong nag celebrate dahil sa pag kawala nya”

“oo nga naman. Hanggang ngayon ang hirap pa ding paniwalaan”

*Pero ang mas mahirap paniwalaan ay yung kelangan pang ishare ni Kyra ang katawan at panahon nya kay Amara*

-Minton’s POV-

Masaya ko ngayon at kasama ko si Amara, medyo nalilito pa ko ngayon dahil sa mga nalaman ko pero ang importante nasa tabi ko sya ngayon.

“sana maging masaya yung date natin ngayon, yung huling naging date kase natin non hindi sulit” naka busangot na sabi pa nya

“panong hindi sulit? Ang saya ko kaya non”

“pano kang naging masaya non eh. Nakatulog nga ako sa sinehan diba? Pag katapos non hindi na ulit ako nagising”

“hi...ndi ka na nagising? so ibig sabihin ba non, yung babaeng ginising ko sa sinehan si Kyra yon at hindi ikaw?” naka kunot ang noo na tanong ko pa sakanya

“Oo ganon na nga, bakit may nanyare ba non?”

“huh? Uhmmm. Wa--wala naman!”

“uhmmm. Buti naman”

*Kung ganon si Kyra yung natapilok at pinasan ko non? Pero nung mga oras na yon may kakaiba akong naramdaman, ibig sabihin ba non dahil yun kay? Minton! Ano ka ba!? Wala naman kaso yun diba!? Wala!*

“Ayos ka lang ba?” - Amara

“huh? Uhmmm. o-oo naman. Masaya lang ako at kasama kita ngayon”

“ang sweet naman ng babe ko!” saka nya ko niyakap habang mag katabi kaming naka upo sa bus

Nang makarating na kami ng mall ay kumain ulit kami sa isang eat all you can. Tulad ng dati sobrang dami na naman nyang kinain.

Only Me and I (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant