Kabanata 8

154 3 0
                                    


Bakit andito ka?”

Nagulat ako nang biglang may mag salita mula sa likuran ko habang nakatayo ako sa rooftop kaya dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko “Minton?”

“ang sabi mo sa classroom ka pupunta?”

“ah. Ka---se---”

~Tooot!-toot!~ isang mahina na pag tunog na naman ng relos ang narinig ko kaya agad ko itong tinignan. *55% Kelangan ko nang lumayo sa lalaking to*

“hindi ka na nakapag salita?”

“sorry. Mauna na ko” nakayukong sabi ko sakanya, nang bigla nya kong harangin ang dadaanan ko

“tama nga ang hinala ko! Iniiwasan mo nga ko!” seryoso ang boses na sabi nya sakin

Saka ko ulit tinignan ang relos ko 58% na ang rate nito “I'm sorry. Hindi kita iniiwasan pero baka hinihintay na ko nila Calvin”

Saka ako nag patuloy sa pag lalakad ng bigla nyang hilahin ang kamay ko para pigilan ako “bakit ba ganyan ka? Kahapon lang ikaw tong feeling close na inaya pa ko sa mall tapos ngayon todo iwas ka sakin”

“ano bang kelangan mo? Please bitawan mo na ko” mahinang sabi ko sakanya saka ako pilit na kumakawala sa pag kakahawak nya

“sabihin mo muna sakin kung bakit ka ganyan!?” galit na sabi nya sakin

“sorry talaga! Pero baka pwde mo na kong bitawan”

Mas humigpit pa ang pag kakahawak nya sa kamay ko “sorry? Para san?

Mas bumilis at lumakas pa ang pag tunog ng relos ko, 69% na ang rate “bitawan mo na ko please!” maluha-luha pa ang mga mata na sabi ko sakanya

“yung tunog na yon? Naririnig ko na naman sya”

“bitawan mo na ko. Pakiusap” sabi ko pa sakanya habang pilit kong inaagaw ang kamay ko sakanya

“pakita muna ko ng relos mo!” habang hawak-hawak nya ang kanan kamay ko ay pilit naman nyang kinukuha din ang kaliwang kamay ko kung san nakasuot ang relos ko

“waaaag! Please!” saka ko itinago sa likuran ko ang kaliwang kamay ko

“pakita!”

“please wag.”

Nang mahawakan na nya ang relos ko na nasa kaliwang kamay ko ay mabilis nya itong iniangat para tignan. Kaya wala na kong nagawa kundi pakinggan na lang ang malakas at mabilis na pag tunog ng relos ko.

“76%?” pabulong na sabi pa nya

“tama na!” pag kasabi kong yon ay mabilis kong hinila ang kamay ko na hawak naman nya pero dahil mahigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko ay aksidenteng nahila ko sya papalapit sakin hanggang sa maramdaman ko ang aksidenteng pag lapat ng mga labi nya sa pisngi ko.

Ilan segundo lang ay mabilis na din nyang tinanggal ang labi nya saking pisngi “I'm sorry!” mabilis na sabi nya pero napatulala lang ako habang pinapakinggan ko ang malakas at mabilis na pag tunog ng relos ko hanggang sa mawalan na ko ng malay

“kyra!?”

-Minton’s POV-

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nahimatay na naman sya ito ba yung sakit ni Kyra na sinasabi nila? Habang nakahiga sya sa rooftop ay paulit-ulit kong inapik ng mahina ang mga pisnge nya kasabay ng paulit-ulit na pag tawag ko sa pangalan nya. Pag kalipas lang ng halos 2 minutes ay bigla na lang sya nag inhale ng malalim kasabay ng pag bukas ng mga mata nya.

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now