Kabanata 20

119 3 0
                                    


Nang maihatid na ko ni daddy sa school pag baba ko pa lang ng kotse namin ay bumungad na agad sakin si Calvin. Nakatayo sya malapit sa gate ng University.

“Goodmorning!” naka ngiting sabi ni Calvin sakin

“Goodmorning din” saka din ako ngumiti sakanya “bakit nakatayo ka dito?”

“hinihintay kita”

“hinihintay mo ko?”

“oo. Diba sabi ko sayo mananatili ako lagi sa tabi mo?”

Napa titig akong bigla sa mga sinabing yon ni Calvin saka ako napangiti sakanya *napaka saya ko kase andito si Calvin para protektahan ako*

“shall we go?”

“sige”

-Minton’s POV-

*asan na kaya sila?* Tanong ko sa isip ko habang nakaupo akong mag isa sa dulong upuan, wala pa kase si Alice at Kyra tapos si Calvin na kasabay kong pumasok kanina bigla din nawala. Ilan minuto pa ay napatingin agad ako sa pintuan nang dumating na si Kyra. Pag kakita ko pa lang sakanya ay napa ngiti na agad ako pero nagulat naman ako nang makita kong mag kasunod silang dumating ni Calvin.

“Mabuti naman andito na kayo” agad na sabi ko sakanila pero hindi nila ko kinibo at ang mas kinagulat ko ay nang mag katabi silang naupo

“wala pa si alice?” ani Calvin

“wala pa. Uhmmm kyra?” saka ako mabilis na tumayo para lumapit sakanya “okay ka na ba?” mabilis na tanong ko sakanya

“ah. O-oo!” saka sya mabilis na umiwas nang tingin sakin

“Talaga?” sabay hipo ko pa sa noo nya. Halata naman nagulat sya sa ginawa kong yon kaya mahagya pa nyang iniwas sakin ang ulo nya

“tama na yan!” bulyaw naman sakin ni Clavin saka nya mabilis na sinuway ang kamay ko na nakahawak naman sa noo ni Kyra

“ano bang ginagawa mo!?” bulyaw ko din sakanya

“Tama na! Ano ba kayo!?” galit na sabi naman ni Kyra samin

“nag aalala lang naman ako kay Kyra masama ba yon!?”

“Mi-Minton? Pwde ba kitang makausap?” seryosong sabi naman ni Kyra sakin habang nakayuko pa sya

“tungkol saan?”

“wag tayo dito” saka sya mabilis na tumayo “sa labas tayo” aya pa nya sakin saka sya nag lakad palabas ng classroom habang naka sunod naman ako sakanya

“Kyra andito lang ako sa likod mo okay!?” sigaw pa sakanya ni Calvin

*teka! Ano ba talagang nanyayare dito? Ano ba yung sinasabi ni Calvin! Nakakainis na sya!* sa isang garden kami huminto ng pag lalakad saka sya dahan-dahan na humarap sakin, halata na malungkot ang mukha nya.

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now