Kabanata 17

114 2 0
                                    


-Calvin’s POV-

Lunch break na pero hindi pa din bumabalik si Kyra at Minton, hindi din sila nag rereply sa mga text namin at hindi nila sinasagot ang mga tawag namin ni Alice, nasan na kaya sila?

“nasan na ba yung dalawang yon!?” inis na tanong ni Alice sakin

“wala din akong idea, hindi kaya may nanyareng hindi maganda sakanila?”

“naku. Wag naman sana!”

“oo nga. Tara hanapin na kaya natin sila”

“Sige!”

*Kyra! Nasan na ba kayo? Sobrang nag aalala na kami, hintayin mo lang ako dadating din ako dyan*

-Minton’s POV-

Mag kahawak kamay pa kaming dalawa palabas ng school. Hindi ko alam na darating yung panahon na mag kakagusto ko sakanya at magiging kaming dalawa.

“bakit ang tahimik mo?” tanong pa nya sakin habang mag katabi kaming nakaupo sa bus

“uhmmm. Masaya lang ako kase ngayon tayo na” saka ako ngumiti sakanya

“naku! Ganyan ka ba talaga kainlove sakin?” nakangisi naman na sabi nya sakin saka sya sumandal sa balikat ko

Nag punta ulit kami sa mall para mag lunch pero halos hindi naman ako makakain pakiramdam ko kase busog na busog ako, wala akong maramdaman na kahit konting gutom, ganito ba talaga pag inlove?

“bat di ka kumakain?” nakakunot ang noo na tanong nya sakin

“busog pa ko. Sige lang kumain ka lang ng kumain”

“okay!”

-Amara’s POV-

“san mo gustong pumunta after nito?”

“uhmmm. Gusto kong manuod ng cine!”

“Sige! Anong movie ang gusto mong panoorin?”

“gusto ko ng horror movie”

“are you sure? Baka naman matatakutin ka?” pang aasar pa nya sakin

“hindi no! Hindi ako ang klase ng tao na madaling matakot, kabahan at malungkot”

“talaga?” nakangising sabi pa nya sakin

“si kyra lang yung ganon eh!” pabulong na sabi ko pa sakanya

“huh?”

“ha? Wa-wala! Basta horror huh?”

“sige ikaw bahala”

-Cinema-

“Pano ba yan walang horror na showing?” - Minton

“oo nga! Nakakainis naman!”

“Ito na lang kaya yung panoorin natin? Sigurado maganda to!” sabay turo pa sya sa isang action movie na showing ngayon

“ayoko ng mga action, naiinip akong manoorin yung ganyan! Ito na lang panoorin natin”

“huh? Eh mas nakakainip pa yang panoorin eh! Sige na itong action na lang?” sabay pacute pa sya sakin

*pasalamat ka cute ka!* sabi ko pa sa sarili ko

“okay sige yan na lang!”

“yes! Tara na?”

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon