Kabanata 28

107 2 0
                                    


-Kyra’s POV-

Nang paalis na sana kami sa kwarto ni Minton para pumunta naman sa kwarto ni calvin ay may napansin akong isang black shoes na agad umagaw ng atensyon ko, nakalagay ito sa pinaka ilalim ng kabinet ni Minton at wala itong kapares, sa tingin ko din parang pambatang black shoes to kaya kinuha ko ito. *Teka. Parang familiar sakin yung sapatos na to*

palabas na sana ng pintuan sila Minton para mag punta sa kwarto ni Calvin nang bigla nya kong lingunin

“Kyra tar---” naputol ang sasabihin pa sana nya nang makita nyang hawak ko ang sapatos “bakit mo hawak yan!?” tanong nya sakin saka nya mabilis na binawi sakin ang sapatos yon na hawak ko

“so-sorry! Tinignan ko lang naman parang familiar kase sakin” nakayukong sabi ko pa sakanya

“uy. Krya, Minton! Ano bang ginagawa nyo dyan!? Tara na!” aya pa samin ni alice habang naka silip pa sya sa pintuan”

“ah. Sige susunod na!” mabilis na sagot ko naman sakanya “ta-tara na” aya ko pa kay Minton na titig na titig pa sa sapatos

“sige mauna ka na”

“ah. Okay!” saka ako patakbong lumabas ng kwarto yon

Hindi ko alam kung anong meron sa sapatos na yon at parang may sentimental value yon kay Minton para itago pa nya ng ganito katagal. *Pero yung sapatos na yon parang familiar talaga sakin!* napahinto lang ako sa pag iisip ng makarating na kami sa kwarto ni Calvin. Tulad ng kwarto ni Minton malinis din ang kwarto nya at mga libro naman ang collection nya.

“Ang dami mong mga collection na libro”

“karamihan dyan regalo lang din sakin” - Calvin

“may mga libro ko sa bahay bukas dadalin ko para mabasa mo din” pag alok ko pa sakanya

“mahilig ka din mag basa?”

“yun lang kase yung libangan ko dati sa bahay”

“ah. Saba-----” bigla naman natigil ang sasabihin sana ni Calvin ng mag salita si Minton

“kain na tayo, naka luto na si Manang” alok naman samin ni Minton

“tara” - Calvin

Nang maka baba na kami sa dinning room nila ay nakahain na dito ang masasarap na ulam. Beef steak, ham at chicken fillet ang ulam namin.

“wow! Ang sasarap ng pag kain!” naka todo ngiting sabi pa ni Alice

“maupo na kayo. Kain na tayo” alok pa samin ni Minton

Naupo ako sa tabi ni Alice habang si Calvin at Minton naman ay nakaupo sa tapat namin. Ilang saglit pa ay nag simula na kami sa pag kain.

“ang sarap ng beef steak!” - Alice

“eto Kyra, tikman mo yung chicken fillet favorite ko to.” alok pa sakin ni Calvin saka nya nilagyan ang plato ko

“salamat!” saka ako ngumiti ng matipid sakanya

“mukang masarap nga yan no Calvin?” ani Alice na halatang nag paparinig pa kay Calvin para lagyan din ang plato nya

“ah. Gusto mo ba?”

“if you don't mind. Oo sana!” nakangising sabi pa nya

“okay. Eto oh” saka nya mabilis na nilagyan ang plato ni Alice

“thanks!”

Tahimik lang ako sa pag kain hanggang sa bigla na lang akong masamid at mapaubo.

“ayos ka lang?” mabilis na tanong nila sakin ng marinig nila ang pag ubo kong yon

“eto tubig!” sabay na alok pa sakin ni Calvin at Minton saka sila nag katinginan

Napatigil akong bigla sa pag ubo ng makita silang dalawa saka ko mabilis na kinuha ang tubig ni Alice at yun ang syang ininom ko “okay na ko. Salamat!”

“uhmmm. Mabuti naman” - Calvin

Ilang saglit pa habang kumakain pa sila ay natapos na din ako sa pag kain. Tulad pa din kase ko ng dati, mabilis akong mabusog kahit konti lang yung kinain ko, hindi tulad ni Amara na kinagigiliwan ng iba dahil sa malakas na pag kain nya.

“tapos ka na?” - Alice

“oo. Busog na ko eh”

“ang konti lang nung kinain mo busog ka na agad?” - Minton

“ganon lang talaga kumain si Kyra” pag tatanggol naman sakin ni Calvin

“sa bagay hindi nga pala sya si Amara”

Napatigil at napalunok akong bigla sa mga narinig kong yon mula kay Minton ewan ko ba pero parang may tumusok na naman sa puso ko dahil sa sinabi nya. *siguro kaya ganito yung nararamdaman ko kase ayokong na kukumpara ako kay Amara, ayoko na parang sya lang yung nakikitaan ng magagandang bagay. Insecure na ba talaga ko sakanya? mali tong nararamdaman ko! hindi ako to! Hindi ako ganitong klase ng tao. Kyra! Relax lang okay?* Ilan minuto pa ay natapos na din sila sa pag kain kaya nag punta na kami sa living room nila para mag movie marathon. Katabi kong naupo si Calvin at Alice sa mahabang sofa habang si Minton naman ay naupo sa isang maliit na sofa na nasa gilid ni Calvin.

“anong movie yung gusto nyong panoorin?” - Calvin

“Ano ba meron dyan?” - Alice

“madami”

“ano nga eh”

“horror na lang panoorin natin!” - Minton

“waaaag!” agad na sabi ko naman sakanila

“natatakot ka no?” pang aasar pa sakin ni Minton

“uhmmm. Ka-kase ang toto---” napahinto akong bigla sa pag sasalita ng mag salita si Alice

“ano ka ba Minton! Gusto mo lang yata talagang tumaas yung presyon ni Kyra para magising si Amara eh!”

“huh!? Hindi no!” pag dedeny na sabi naman nya

Napayuko na naman akong bigla sa sinabing yon ni Alice. *Siguro nga si Amara talaga ang gusto nyang andito at hindi ako. Sa bagay si Amara nga pala yung girlfriend nya hindi na dapat ako mag taka don*

-Minton’s POV-

“Okay ka lang?” agad na tanong ni Calvin kay Kyra na katabi nya sa upuan

“huh? O-oo! Oo naman” ani Kyra saka sya ngumiti kay Calvin

Nakatingin lang ako kay Calvin at Kyra habang nag uusap sila. *ano ba yan!? Nakakairita naman silang panoorin! Hays. Minton ano ka ba!? nag seselos ka ba sakanilang dalawa? Nababaliw ka na yata! Nakalimutan mo na ba na si Kyra yan, hindi sya si Amara ka----* natigil bigla ang pag iisip ko nang mag salita ulit si Alice na nakaupo sa dulo ni Kyra.

“Minton ano ba!? Mag play ka na kaya ng movie!?” bulyaw pa nya sakin

“anong movie nga!?”

“comedy na lang” sabat naman ni Calvin

“sus! Ang corny naman ng gusto mo in----”

“yung kase ang gusto ni Kyra”

“ah. Uhmmm” sabay lunok pa ko “okay! Bahala kayo!”

Nag play ako ng comedy movie. Honestly ayoko talaga ng mga comedy pero dahil yun na ang gusto ni Kyra okay na din yun sakin. Ilang saglit pa ay nag simula na ang movie marathon namin. May sandwich, chips at drinks din kami habang nanunuod kami ng movie. Ewan ko ba pero napapangiti ako pag nakikita ko si Kyra na nakatawa, ang saya-saya nya habang nanunuod sya ng comedy movie.
~

Only Me and I (Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora