Kabanata 15

119 3 0
                                    


-Kyra’s POV-

*araaay! Ang sakit ng ulo ko!* ano bang nanyare? Ang huling na aalala ko lang eh yung.... Yung may ininom ako tapos bigla na lang akong nahilo, tama! Alak nga yung nainom kong yon. Kung ganon nalasing ako? Wala naman siguro kong ginawang hindi maganda, sana nga wala!* nahinto ang pag iisip ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko ~tok!-tok!~ kaya mabilis kong binuksan ang pintuan at agad bumungad si Mommy sakin.

“oh. Mi bakit po?”

“anong bakit? 7:30 am ang pasok mo diba? Pero 7:40 na hindi ka pa nakakaligo. Malalate ka na sa school”

“oo nga po pala. Wait lang mi gagayak na po ko”

Mabilis akong nag tungo sa cr para maligo, sigurado ko na hindi na ko aabot sa first subject namin pero kelangan kong umabot sa 2nd subject. Nang matapos na kong gumayak ay mabilis akong nag lakad papunta sa sakayan ng bus. 9am na ko nakarating sa school, sakto lang para sa second subject.

~Classroom~

“bakit ngayon ka lang?” tanong agad sakin ni Calvin ng makapasok na ko sa loob ng classroom namin

Mabilis naman akong naupo sa gitna ni Calvin at Alice “nalate kase ako ng gising”

“don't tell us na may hangover ka kaya nalate ka ng gising?” nakagising sabi pa ni Minton sakin na nakaupo sa tabi ni Calvin

“teka! About pala sa kahapon, sobrang nalasing ba ko? May ganawa ba kong hindi maganda?”

“wala kang matandaan?” - Alice

“wala eh”

“pero kagabi mukang okay ka naman na nung nagising ka” ani Calvin

“oo nga. Kumain ka pa nga ulit eh” - Alice

“ang dami mo pa ngang nakain. Napaka takaw mo!” - Minton

*kung ganon nagising si Amara? Pero hindi ko talaga matandaan? Ganon ba talaga kalala ang epekto ng alak sakin?*

“Wala ka ba talagang na aalala kahit ano?” dagdag pa ni Minton

“wala talaga”

“pati yung----” naputol bigla ang sasabihin pa sana ni Minton ng dumating na si Mrs. Santos

“Goodmorning class!”

“Goodmorning ma’am”

“okay class ngayon bibigyan ko kayo ng activity, at dahil 3 hrs naman ang klase natin bibigyan ko kayo ng 2 hrs para mag hanap ng isang halaman na bibigyan nyo ng explanation, igu-grupo ko kayo sa dalawa”

Si Alice at Calvin ang naging mag ka grupo, habang kami naman Minton ang naging mag ka-group. *Parang nananadya lang talaga yung tadhana kung sino pa talaga yung iniiwasan ko sya pa yung naka group ko* wala naman kaming nagawa kaya sumunod na lang kami, sabay-sabay naman kaming apat na lumabas ng classroom.

“guys hihiwalay muna kami sainyo huh? Dito kami mag hahanap” paalam pa ni Alice samin

“sige kita-kits na lang mamaya” - Minton

“sige” - Calvin saka sila tuluyang umalis

“san tayo mag hahanap?” tanong naman sakin ni Minton ng maiwan na kaming dalawa na nakatayo sa labas ng classroom

“uhmmm. Dun kaya tayo” aya ko naman sakanya sa likod ng mga building kung san madaming halaman na naka tanim

“sige”

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now