Kabanata 11

157 4 0
                                    


~Minton's POV~

Napatulala na lang ako nang makita kong tumakbo si Kyra palapit kay Calvin at nang bigla pa nya itong yakapin. Parang nakaramdam ako nang kakaibang pag kirot sa puso ko, hindi ko din alam kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Ilan saglit pa ay umalis na ko at iniwan silang dalawa.

~Kyra's POV~

Ilan minuto din kami ni Calvin na mag kayakap hanggang sa kumawala na ko sakanya.

"ayos ka lang ba?" tanong nya sakin saka nya dahan-dahan na pinupunasan ang mga luha sa mata ko

"ayos lang ako, sorry sa ginawa ko"

"ano ba talagang nanyare? May ginawa ba sayo si Minton?"

"wa-wla. Hindi ganon yon. Kalimutan mo na yon"

"kumain ka na ba?" pag iiba pa nya sa usapan

Umiling lang ako sakanya saka kami nag punta ng canteen para kumain, tahimik lang ako habang kumakain naaalala ko na naman kase yung mga nanyare kanina. Ilan saglit pa ay dumating din si Alice galit ang mukha nya na lumapit samin.

“Andito lang pala kayo! Kanina pa ko hanap ng hanap sainyo!”

“bakit may problema ba?” - Calvin

“eto kaseng si Kyra nung kakain na dapat kami kanina bigla na lang umalis tapos pati si Minton iniwan din ako. Mag isa tuloy akong kumain”

“sorry Alice” nakayukong pag hingi ko ng sorry sakanila

“ano ba kaseng nanyare at parang may iniiwasan ka kanina?”

“uhmmm. Kase a---”

“si Minton ba?” ani Calvin

“huh?”

“sya ba yung iniiwasan mo?”

“uhmmm. Oo” mahinang sagot ko sakanya

“what!? Pero bakit? Nag away ba kayo? Break na kayo?” mabilis na tanong ni Alice na mukang gulat na gulat pa

“naku. Hindi! Hindi ganon! Hindi naman kami. Siguro medyo ilang lang ako dahil isa sya sa mga nambully sakin dati”

“huh? Naiilang ka? Eh. Super close na nga kayo diba? Saka lagi na natin syang nakakasama tapos nag mall pa kayo na kayong dalawa lang”

“sorry. Alam kong hindi nyo maiintindihan”

“ano ba kase ang totoo?” naka salubong pa ang kilay na tanong ni Calvin

“wala. Sorry”

“ang weird mo na naman” - Alice

“sorry!”

“okay fine!

Ilan saglit pa ay natapos na kaming kumain. Nang makarating na kami ng classroom ay wala pa si Minton, naupo kami sa lagi namin inuupuan sa bandang dulo habang nakaupo ako sa gitna ni Calvin at Alice. Ilan saglit pa ay dumating na din si Minton, nakatingin sya samin pero sa upuan na nasa harapan namin sya naupo. Hindi kami nag kibuan hanggang sa matapos na ang klase. Kasabay kong nag lakad palabas ng school si Calvin at Alice at nang dumating na ang sundo ni Alice ay naiwan na lang kaming dalawa ni Calvin. Mag lalakad na sana kaming dalawa papunta sa bus stop ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Kyra?” mabilis kaming napalingon ni Calvin sa bandang likuran namin kung san nanggaling ang boses at nakita namin si Minton na nag lalakad papalapit samin

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now