Kabanata 38

89 1 0
                                    


"Zero?" gulat na gulat na sabi naman ng babae sakanya nang mag kita na sila

"mabuti na lang pala at hindi ako naunahan ng iba sa pag tubos sayo"

"anong ginagawa mo dito?"

"pakakasalan ka"

"huh!?"

Naka titig lang ako sakanila habang pinapanood ko ang pag haharap nila. *Hays. Nakakakilig silang dalawa. Halatang gustong-gusto nila yung isa’t-isa* natigil lang ang pag uusap nila nang mag salita ulit si Alice

"Bride and groom dito na po tayo" ani Alice na pinapunta silang dalawa sa wedding booth na inihanda namin para sa groom and bride to be

Magka-hawak kamay pa silang nag punta sa wedding booth at isang bouquet white rose pa ay ibinigay ni Zero sa girlfriend nya. Sobrang kinikilig kaming lahat habang pina-panood silang dalawa.

"eto na po ang sing-sing" ani Calvin na iniabot na ang sing-sing sa groom and bride

Mabilis naman kinuha ni Zero ang Sing-sing saka sya humarap sa girlfriend nya habang seryoso pa ang mukha nya "Ma. Gerlie Lopez. Sorry kung pinag hintay kita nang ganitong katagal bago ko gawin to"

"ano ba yang sinasabi mo?"

"alam ko na matagal ka nang naguguluhan dahil sakin. Alam ko na matagal mo nang tinatanong ang sarili mo kung bakit ko ba talaga ginagawa lahat ng bagay na to. Kung ano ka ba talaga sakin. Kung ano ba talaga tayo. Akala ko kase dati sapat na yung maiparamdam ko lang sayo na mahalaga ka sakin. Ngayon ko lang na realize na hindi pala sapat yon"

"hanggang ngayon naguguluhan pa din ako"

"Magee. Gusto ko lang malaman mo at ng lahat ng tao dito na gusto kita."

Nag tilian kaming lahat sa pag amin na ginawa ni Zero. *Napaka tapang nyang lalaki para umamin sya sa babaeng mahal nya sa harap pa ng madaming tao*

“kinikilig ka?”

Mabilis akong napalingon sa bandang kanan ko ng marinig ko ang boses na yon ni Minton “huh?”

“wa...la! Ang sabi ko ang sweet nila” saka sya ngumiti sakin

“oo nga. Napaka tapang nung lalaki” mahinang sabi ko pa habang naka titig pa din ako kay Zero at Magee

“matapang?”

“nagawa nyang aminin sa babae yung feelings nya, kahit sa harap pa ng madaming tao” saka ako bahagyang napa ngiti

“may lalaking mas matapang pa sakanya”

Pag kasabi nyang yon ay agad ulut akong napalingon sakanya “lalaking mas matapang pa sakanya? Sino?”

“edi yung lalaking kayang itago yung feelings nya para sa ika-bubuti ng babaeng mahal nya. The guy who will sacrifice his own happiness for the sake of the girl that he really loves” nakatitig na sabi pa nya sakin habang seryoso din ang mukha nya

Nagulat ako sa mga sinabing yon ni Minton, para syang may pinang huhugutan, honestly hindi ako sanay na nag sasalita sya ng mga ganong bagay. Ngayon ko lang kase sya narinig na nag salita about love.

“Mukha namang walang ganon eh. Pero kung meron man, siguro nga wala nang mas tatapang sakanya” saka ako ngumiti sakanya

“Sandali lang may bibilin lang ako” paalam pa nya sakin

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now