Kabanata 21

102 3 0
                                    

-Minton’s POV-

Nang makuha ko na ang bag ko sa classroom namin ay mabilis akong nag punta sa grandstand para dito ilabas ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. *T*ng in* ang sakit!* malakas na sigaw ko habang nakatayo ako sa pinaka taas ng grandstand, kasabay nang pag suntok ko sa isang bakal. Halos mamaga ang kamay ko pero wala akong naramdaman na kahit konting sakit. Ilan saglit pa ay nahiga ako dito sa grandstand at natulog.

-Kyra’ POV-

*Nasan kaya si Minton? Nag aalala na ko sakanya*

“ayos ka lang?” pabulong na tanong sakin ni Calvin habang nag didiscuss ang professor namin

Ngumiti lang ako nang matipid sakanya bago ako pabulong na mag sumagot “oo”

-Minton’s POV-

10 am na nang magising ako, saka ko lang din naramdaman ang pag kirot ng kamay ko kaya mabilis akong nag punta sa clinic para patignan ang kamay ko.

“na mamaga yung mga daliri mo, tapos itong isang daliri mo muntik pang mabali, ano bang nanyare? Nakipag away ka ba?” tanong naman ng nurse sakin habang binebendahan nya ang kamay ko

“Hindi. Wag na lang sana makarating kay lola tong nanyare” pakiusap ko pa sa nurse na yon

“osige”

Nang makalabas na ko sa clinic ay mabilis akong nag lakad palabas ng school para umuwi.

~House~

“oh. Ser andito po pala kayo, gusto nyo po ba ipag hain ko kayo ng lunch?” ani manang

“sige po manang, mag shower lang po ako”

“okay ser”

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para maligo nang matapos na ko ay mabilis din akong bumaba para kumain. Ilan minuto pa nang matapos na kong kumain ay nag punta agad ako sa garahe namin para kunin ang motor ko na halos 5 months ko ng hindi nagagamit. 5 months ago kase habang nag i-stroll kami ni Calvin muntik na kaming mabangga sa isang truck buti na lang at mabilis kong nailiko ang motorcycle ko sa damuhan, minor injury lang naman ang nakuha namin ni Calvin kaso nalaman yun ni lola kaya simula non hindi na nya kami pinayagan gumamit ng motor o kahit ng kotse. Ilang minuto pa ay dahan-dahan kong inilabas ang motor ko sa gate namin para itakas, balak ko kaseng mag stroll gamit ang motor ko na rerelax kase ko kapag ginagawa ko yon. Nang mailabas ko na ang motor ko ay agad ko itong minaneho kung saan-saan, wala akong specific na gustong puntahan basta gusto ko lang mag drive ng mag drive. *Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nag mamaneho ako ng motor* 4 pm ng mag desisyon akong mag pahinga sa bar na madalas namin puntahan dati ni Calvin. Walang pang ganong tao dito, siguro dahil medyo maaga pa. Sa isang table na nasa bandang gitna ako naupo saka ako umorder ng isang bucket ng beer para inumin mag isa.

~1 hour Later~

“Minton?”

Mabilis kong nilingon ang isang lalaki na tumawag sakin “Prixion?” mabilis na sabi ko nang makita ko sya na nakatayo sa tapat ng table ko

“bakit parang gulat na gulat ka?” nakangising tanong pa ni Prixion, isa sa mga kaibigan ni Calvin nung highschool, sa lahat ng mga kaibigan ni Calvin masasabi ko na sya na ang pinaka madalas kong makausap, medyo parehas kase kami ng ugali

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon