Kabanata 24

104 2 0
                                    


-Kyra’s POV-

Pag kaalis ni Minton ay mabilis ko naman nilapitan si Calvin “ayos ka lang ba?”

“pasensya na Kyra pero uuwi na ko” saka sya nag lakad palayo sa gym kaya mabilis ko syang hinabol

“teka lang Calvin!”

“ayos lang ako”

“I'm sorry”

“para san?”

“kasalanan ko lahat to. Dahil sakin nasira ang samahan yung mag pinsan” nakayukong sabi ko pa sakanya

“hindi mo yon kasalanan”

“kasalanan ko! Siguro kelangan ko nang sabihin sakanya ang lahat!”

Nang aalis na sana ako ay mabilis akong hinawakan ni Calvin sa kamay para pinigilan “wag! Hindi mo yon kelangang gawin, maiintindihan din ni minton lahat sa tamang panahon”

“baka nga ito na yung tamang panahon, Calvin hindi ko kayang masira lahat ng pinag samahan nyo dahil lang sa sakit ko”

“pero Ky-----”

“hayaan mo kong gawin to. Ito yung tama at dapat kong gawin”

Saka ako nag mamadaling umalis para hanapin si Minton, halos pinuntahan ko na ang lahat nang lugar na pwdeng puntahan ni Minton pero hindi ko sya nakita. *nasan na kaya sya?* hanggang sa marinig ko ang kwentuhan ng dalawang babae na nakasalubong ko.

“Kapatid ni Kris si Minton Barcelo na apo ng vice president?” ani ng isang senior high na naka-salubong ko

“oo. Kaya nga mag kasama sila ngayon eh”

Mabilis naman akong lumapit sakanya “Excuse me?”

“po?”

“Si Minton Barcelo ang pinag uusapan nyo diba?”

“opo ate bakit?”

“Alam nyo ba kung nasan sya ngayon?”

“opo. Nasa senior high building po sya sa 1st floor”

“okay salamat huh?” saka ako mabilis na nag punta sa senior high para puntahan si Minton

Nang makarating na ko ay agad ko naman syang nakita at may kausap syang isang lalaki. *siguro sya yung kapatid ni Minton* saka ako dahan-dahan lumapit sakanila.

“minton?”

Mabilis naman silang napatingin sakin “anong ginagawa mo dito?” naka salubong ang mga kilay na tanong naman nya sakin

“pwde ba kitang makausap?”

“ah. Sige kuya pasok na ko sa room namin, kita na lang tayo mamaya?” paalam naman ng kapatid nya saka ito ngumiti sakin at tuluyang pumasok sa classroom nila

“ano bang kelangan mo!?”

“may gusto lang sana kong sabihin sayo”

“wala akong oras!” saka sya nag lakad palayo sakin

“please makinig ka muna!”

Napahinto naman sya sinasabi kong yon saka nya ko nilingon “kung pagagalitan mo lang ako dahil sa pang aaway ko kay Calvin, umalis ka na lang!”

“hindi to tungkol don. Please mag usap tayo”

“sabihin mo na ngayon kung ano gusto mong sabihin!”

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon