Kabanata 18

104 1 0
                                    


~tok!-tok!~ isang malakas na katok ang nag pabangon sakin sa higaan, kaya mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at agad naman bumungad sakin si mommy.

“mag 8 am na pero hindi ka pa bumababa, wala ka bang balak pumasok?”

“uhmmm. Mi masama po kase yung pakiramdam ko, hindi po muna ko papasok ngayon”

“may lagnat ka ba anak?” sabay hipo pa sya sa noo ko para tignan kung mainit ba ko

“wala naman po mi. Gusto ko lang po makapag pahinga”

“sige. Igagawa tuloy kita ng soup”

“okay mi. Salamat po” mabilis naman bumaba si mommy para mag luto

*pano ko sasabihin kay mommy na ayoko nang bumalik ng school? Hindi ko na alam kung pano pa ko haharap kay Minton, pag katapos syang sagutin ni Amara, hindi ko kayang mag panggap bilang si Amara*

-Minton’s POV-

“Goodmorning guys!” agad na bati samin ni Alice ng makapasok sya sa classroom

“Goodmorning din” - Calvin

“si Kyra wala pa? Late na ko pero mas late pa sya?”

“oo nga eh. Hindi din sya sumasagot sa mga text at tawag ko”

“teka lang Minton? Ano pa lang nanyare sainyo kahapon!? Bakit bigla na lang kayong nawala tapos hindi kayo pumasok sa afternoon class natin!?”

Hindi ko naman pinansin yung mga tanong ni Alice saka ako mabilis na tumayo sa upuan at saka ako nag lakad palabas ng classroom namin *asan ka na ba Kyra?* saka ko sya tinawagan ng paulit-ulit pero hindi man lang nya sinasagot ang mga tawag ko. *bakit ba ayaw nyang sagutin!?* paulit-ulit ko syang tinawagan pero ni isa sa mga tawag ko wala syang sinangot kaya bumalik na lang ulit ako sa loob ng classroom namin.

“nag text na sakin si Kyra” ani Calvin

“huh? Nag text sayo?”

*bakit kay Calvin nagawa mong mag text pero sakin na boyfriend mo hindi ka makapag text!?*

“hindi daw sya makakapasok masama daw pakiramdam nya”

“what!? May sakit ba sya? Kamusta daw sya?”

“oa naman ng reaksyon mo!” pataray na sabi pa ni Alice sakin

“bakit masama bang mag alala ko sa girlfriend ko!”

“anong sabi mo!?” sabay na sambit pa nila

“huh? A-ano... Wala! Wala akong sinabi!”

“anong wala!? Meron eh!” - Alice

“wala nga!” pag dedeny ko pa sakanila habang todo iwas din ako ng tingin sakanila

“eh. Bat di ka makatingin?”

“wala nga sa----” naputol bigla ang pag sasalita ko ng mag salita naman si Calvin

“totoo ba yung sinabi mo?”

“uhmmm. Ka----”

“yes or no lang!”

“uhmmm. HYes!”

Gulat na gulat silang dalawa sa sinabi kong yon, actually nagulat din ako sa sarili ko, wala naman kase kong balak na ipaalam sa kanila kase hindi pa naman namin yon napag usapan ni Kyra kaso ito na eh. Nasabi ko na pano ko pa to babawiin?

Only Me and I (Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora