Kabanata 27

106 2 0
                                    


-Kyra’s POV-

Kasabay ulit ng pag mulat ng mga mata ko ang isang malalim na pag hinga ko. ~Haaaaaa~ saka ako mabilis na bumangon sa higaan ko *umaga na pala* nang tatayo na sana ko para gumayak ay bigla na lang nag flash back sakin ang date ni Amara at Minton kahapon. *bakit ganon? Bakit parang may kumikirot dito sa dibdib ko?* kasabay nito ang pag tunog ng relos ko na nasa 60% na. Kaya mabilis kong pinakalma ang sarili ko *relax lang Kyra. Hinga ng malalim* Ilan saglit pa ay naging normal na ulit ang percentage rate ko kaya nag madali akong tumayo para gumayak.

“Goodmorning po mi, Goodmorning di”

“Goodmorning anak. Sumabay ka nang kumain samin” ani mommy

“okay po” saka ako mabilis na naupo sa tabi nila para sumabay sa pag kain

“kumain ka ng madami anak huh?”

“opo mi”

Nang matapos na kami sa pag kain ay inihatid na din ako ni daddy sa school. Pag pasok ko pa lang sa gate ng school namin ay agad bumungad sakin si Minton. Nakatayo sya malapit sa gate ng school namin na tila may hinihintay habang may dala syang isang paper bag.

“Goodmorning! Para sayo” naka ngiting bati sakin ni Minton habang iniaabot nya sakin ang paper bag na dala nya

“uhmmm. Ka--kase Minton. Hin...di ako si Amara” nakayukong sabi ko pa sakanya

“I know!”

Pag kasabi nyang yon ay mabilis akong napatingin sakanya “huh? Eh. Ba-bakit mo bini--binibigay sakin yan?” nauutal na tanong ko pa sakanya

“pa-Thankyou ko to sayo”

“pa Thankyou sakin?”

“oo. Dahil nag tiwala ka sakin at sinabi mo sakin ang sekreto mo”

*Dahil sa sinabi nyang yon gumaan bigla ang pakiramdam ko at nakaramdam ako ng sobrang saya*

“walang anuman” saka ako ngumiti ng matipid sakanya

“at dahil na din sa pag payag mo na ipag patuloy namin ni Amara ang relasyon namin” dagdag pa nya saka sya ngumiti sakin

Napatulala akong bigla sa sumunod na sinabi nya, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam na naman ako ng pag kirot sa puso ko. *Kyra ano ka ba!? Bakit ka ba nag kakaganito! Mag relax ka nga. please! Relax lang*

“ayos ka lang?” naka salubong pa ang mga kilay na tanong nya sakin

“huh? Uhmmm. O-oo naman”

“alam kong hindi dapat ako lumalapit sayo ng ganito kalapit dahil wed ngayon hindi pa naka schedule ang pag labas ni Amara at wala din si Calvin dito para pakalmahin ka, pero gusto ko lang talagang ibigay sayo to” saka nya ulit iniabot sakin ang paper bag na hindi ko nagawang kunin kanina

“salamat!”

“welcome. Teka dito ka lang huh?”

“bakit?”

“basta!” saka sya nag mamadaling humakbang ng tatlong hakbang palayo sakin, sa bandang kanan ko sya nag punta at tumayo

“anong ginagawa mo?”

“gusto ko sanang sabay tayong pumasok kaso sabi ni Calvin pwde lang akong lumapit sayo pag andito sya kaya lumayo ako ng tatlong hakbang sayo” nakangiting sabi ulit nya sakin “ano tara na ba?”

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now