Kabanata 36

107 2 0
                                    


Tulala pa din ako hanggang maka-sakay na ko ng bus pauwi. Hindi pa din kase mawala sa isip ko na si Kyra ang nag ligtas sakin. Sa bahay nila papa ako dumiretso, at sa kwarto ni Kris ako makikitulog. Sobrang okay at close na kase kami ngayon, pag nag biruan kami parang kilala na talaga namin ang isa’t-isa at kapag kelangan ko ng mga advice sakanya lang ako naka-kakuha ng matinong advice parang mas matured pa nga sya sakin pag dating sa mga problema, lalo na sa mga love problem.

~House~

“oh. Ser kayo po pala” ani manang saka nya ko mabilis na pinag buksan ng gate

“andyan po sila papa?”

“yung papa nyo po malalate daw po nang uwi pero si ser Kris nasa kwarto nya”

“sige po pupuntahan ko na lang po sya sa kwarto nya”

“okay ser”

Nang maka-pasok na sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Kris saka ako mabilis na kumatok sa pintuan nya. ~Toook!-toook!~

“yes manang?”

“si Minton to!” pag kasabi kong yon ay agad din nyang binuksan ang pintuan ng kwarto nyo

“oh. Kuya? Andito ka pala!” naka todo ngiting sabi pa nya

“oo. Makikitulog sana ko dito” saka ako pumasok sa loob ng kwarto nya

“oo ba! Isang linggo ka na nga namimiss ng kama ko eh!”

“akala ko ng sahig. Haha!”

“ano!? Never naman kitang pinatulog sa sahig no!”

“joke lang syempre!” saka ako nahiga sa kama nya “hay! Nakaka relax talaga dito!”

“may problema ka ba?”

“bakit pag may problema lang ba ako pwedeng dumalaw dito?”

“hindi naman. Kaso ang baho mo amoy alak ka!”

Pag kasabi nyang yon ay mabilis naman akong bumangon sa pag kakahiga “sobrang baho ba?”

“oo! Kaya mag toothbrush ka na!”

Mabilis naman akong nag punta sa guest room para mag toothbrush. Dahil nga sa madalas na kong nag pupunta at natutulog dito may mga sariling gamit na din ako dito, tulad ng toothbrush, towel at konting damit. Kaya nag shower at toothbrush muna ko bago ako bumalik sa kwarto ni Kris.

“oh. Ayan mabago na----” napahinto akong bigla sa pag sasalita ng makita ko si Kris na nakaupo sa sahig at kumakain ng pizza “wow! Pizza” mabilis din akong naupo sa sahig at kumuha ng isang pizza kahit nakapag toothbrush na ko pwde naman akong mag tootbrush ulit

“may problema ka nga kaya ka uminom?” tanong pa ulit nya sakin

“hindi. Nag 1st place kase kami sa basketball kanina kaya kami nag celebrate”

“talaga? Aba Astig! Congrats!”

“salamat!”

“akala ko love problem na naman eh!”

“uhmmm. Actually medyo din”

“huh? Sabi na nga eh! Dami mo pang dahilan kanina”

“hindi ko na kase talaga maintindihan!”

“nag taka ka pa eh. Mahirap naman talaga maintindihan yung mga babae”

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now