Kabanata 35

110 4 0
                                    


Sa isang resto bar kami nag punta para mag celebrate at sa VIP room kami puwesto kaya wala kaming ibang kasama kundi kaming apat lang. Mag katabi kami ni Alice sa upuan habang si Calvin at Minton naman ay nakaupo sa tapat namin.

“para sa first place! Cheers!” - Calvin habang may hawak silang tig isang beer samantalang ako naman ay juice lang ang hawak ko

“hindi ka ba iinom?” - Minton

“huh? Hi-hindi. Okay na sakin to”

“bawal sakanya ang alak baka maulit na naman yung nanyare sa party ko. Yung mawalan sya ng malay”

“oo nga naman! Kaya kung na mimiss mo na si Amara pwde ba mag tiis ka muna. 2 days na lang naman mag kakasama na ulit kayo!” - Alice

“Alam ko! Ang dami mo na agad sinabi”

-Minton’s POV-

Kahit hindi kami yung nag champion sa basketball okay na din sakin kase masaya parin naman kaming nag ce-celebrate ngayon. Kumain, nag kantahan at inuman kami.

~6 pm~

“Alice? Kaya mo pa?” tanong ni Kyra kay Alice habang naka dukdok pa si Alice sa table

“oo naman! Tagay pa” naka-ngising sagot naman sakanya ni Alice saka nya muling hinawakan ang isang bote ng beer

“tama na Alice”

“kaya ko pa nga Kyra!”

“Mabuti pa ihahatid ko na si Alice sa bahay nila” paalam naman ni Kyra samin

“huh? Hindi pwdeng ikaw lang mag hatid sakanya” - Calvin

“kaya ko naman syang ihatid”

“hindi pwde! Delekado na sa labas. Sasamahan ka na namin ni minton”

“huh!? Bakit pati ko isasama mo pa!?” pag rereklamo ko naman kay Calvin

“edi kung gusto mo maiwan ka na lang dito!” bulyaw naman sakin ni Calvin

“hi-hindi ako pwdeng maiwan mag isa dito! Lasing na din ako saka baka mapa-away pa ko dito. Gusto mo ba yon insan?”

“eh. Anong gusto mo? Hayaan natin na si Kyra pa mag hatid pauwi kay Alice!?”

“mas mainam pa ikaw na lang mag isa mag hatid kay Alice. Kayang-kaya mo naman yon eh”

“eh. Pano si Kyra?”

“edi dito lang muna kaming dalawa!”

“huh?” gulat na tanong naman ni Kyra

“maiiwan na muna kami ni Kyra dito para may kasama naman ako tapos hihintayin ka na lang namin dito, I'm sure pag balik mo okay na ko”

“uhmmm. Okay lang ba sayo Kyra?” - Calvin

“huh? Uhmmm”

“please Kyra” seryoso pa ang mukha na sabi ko sakanya

Bahagya naman syang napatitig sakin bago sya makapag salita “uhmmm. O-okay!”

“salamat!” naka ngiting sabi ko pa sakanya

“okay sige. Ihahatid ko lang si Alice basta wag kayong aalis dito huh?” - Calvin

-Kyra’s POV-

Ilan saglit lang ay nakaalis na din si Calvin para ihatid si Alice habang naka dukdok naman sa lamesa si Minton.

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now