Kabanata 44

222 10 0
                                    


~Enrollment~

“hello! Calvin?” agad na sabi ko kay Calvin ng sa wakas ay sinagot na nya ang pang labing-dalawang tawag ko sa cellphone nya

“oh. Kyra?”

“bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag ko? Asan na ba kayo ni Alice? Hindi din nya sinasagot yung mga tawag ko sakanya”

andyna ka na ba sa school?”

“oo! Kanina pa!”

“sorry Kyra. Kagigising ko lang kase”

“ano!? Diba ngayon tayo mag e-enroll?”

“oo nga. Sige na maliligo na ko tapos pupunta agad ako dyan”

~Tooot-tooot!~

“bili-----teka? Pinatay na ba nya?”

Napa-buntong hininga na lang ako at napaupo sa isnag hagdan na malapit lang sa gymnasium namin. *Ano ba naman to! Inagahan ko pa naman para makauwi ako ng maaga* malungkot na sabi ko pa sa isip ko. Ilan minuto na din ang lumipas pero wala pa din si Alice at Calvin, sobrang naiinip na ko. *ah! Tama! Mabuti pa mag hanap na ko ngayon ng magandang schedule para pag dating nila mamaya hindi na namin kelangan mag hanap!* kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa bulletin board kung san naka paskil ang mga scedule.

“anong schedule kaya ang maganda?” mahinang tanong ko pa sa sarili ko

“2-C ang magandang schedule” isang familiar na boses naman ang narinig ko mula sa likuran ko kaya mabilis ko syang niligon

Parang bolang tumalbog ang puso ko. Ilan beses rin akong napakurap-kurap. Totoo nga. Hindi ako namamalikmata lang. He's back!

“Mi-Minton!?” naiusal kk

“kamusta ka na?” with his beautiful smile

Hindi ko agad magawang kumibo, habang pinag mamasdan syang nag kakatotoo sa harapan ko.

"Hey?"

Napahawak akong bigla sa noo ko, nang maramdaman ko ang mahina nyang pag pitik rito.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Sh*t!

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa napakawalang kwenta kong tanong.

Ngumisi sya ng malaki sakin "eh' ano pa nga ba? Edi binabalikan ka"

Parang may kung anong bagay ang biglang nag wala sa loob ng tiyan ko. Gusto kong kiligin pero ang dami-dami parin tanong sa isip ko.

"Saan ka nanggaling? Bakit bigla ka na lang umalis? Bakit hindi ka man lang nag sabi na aalis ka? Bakit-" hindi ko na maituloy ang gusto ko pang sabihin dahil nag sisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko

Pinigil ko ang pag hinga ng hilahin nya ang kamay ko palapit sakanya at ng maramdaman ko ang mahigpit nyang pag yakap sakin.

"I'm sorry" bulong nya na naging dahilan para tuluyan ng kumawala ang mga luha ko "I'm sorry sa mga nasabi ko sayo nung huli tayong nag kausap. Natakot kase ako ih. Sobrang natakot akong tuluyan kang mawala ng dahil sakin, kaya lumayo ako saglit para maprotektahan ka"

"a-anong ibig mong sabihin?" Natanong ko ng wala sa sarili

Kumalas sya sa pag kakayakap sakin at hinarap ako.

"Hindi totoong lumayo ako sayo dahil baka maalala ko lang sayo si Amara. Lumayo ako sayo dahil gusto kita. Ikaw at hindi si Amara, kaya natakot ako dahil alam ko na kung hindi ako lalayo sayo, ako ang magiging dahilan ng pag kawala mo"

Parang yelong nalusaw ang puso ko, sa sinabi nya. Totoo ba to? Sinabi ba talaga nyang ako ang mahal nya?


"Pero sa tingin ko, totoong magaling na ko" dahil, hindi na bumalik si Amara kahit niyakap nya ko

"Kung ganon ay pwede na tayo?"

"Ha?" Teka. Nabinge yata ako


Ngumisi sya ng malaki sakin. Bahagya akong napa-atras ng ilapit nya sakin ang mukha nya.

"I love you. Mahal mo rin ba ko?"


Oh my gosh!


"Kung ganoon ay hindi mo na pala ako gusto?"




Parang piniga ang puso ko sa malungkot nyang tono.




"Hindi! H-Hindi sa ganon" napapahiya kong sabi

"eh' ano ba kase talaga-"

"Oo! Mahal din kita" halos napapikit ako ng iusal ko iyon

"Talaga?"



Biglang lumapad ang pag kakangiti nya. Tumango naman ako sakanya.



"Yes!" Masayang usal nya at mabilis akong niyakap "I love you, Kyra"



Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi nya.



"I love you too" sagot ko at niyakap sya pabalik




Sino nga ba ang mag aakala na yung lalaking nambully sakin noon at naging dahilan ng pag kakaroon ko ng sakit ay sya rin pala ang lalaking mag papagaling at mag papasaya ng sobra sakin? Ang hirap paniwalaan na nahulog kaming parehas sa isa't-isa. Na ako na ang gusto nya at hindi si Amara. Sobrang saya ko. Thank you, Amara for your sacrifice. You really are my sister. Don't worry, aalagaan ko si Minton, dahil mahal ko sya.
~

THE END!
SORRY SA ENDING..
PINILIT KO LANG TALAGANG TAPUSIN 😆

SALAMAT SA SUPORTA ❤️

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now