Kabanata 5

193 3 0
                                    


Maaga ang pasok ni daddy ngayon sa opisina nila kaya maaga din nya kong inihatid sa school. Nakasara pa ang classroom namin nang makarating ako kaya nag lakad-lakad muna ko sa school para mag palipas ng oras. Ilang saglit pa habang nakayuko akong nag lalakad ay nabangga na lang ako sa dibdib ng isang lalaki.

“sorry!” mabilis na sabi ko sakanya

“lagi ka talagang mababangga kapag lagi kang nakayukong mag lakad”

Familiar sakin ang boses na yon kaya mabilis ko syang nilingon “Minton?”

“nakakagulat ba na makasalubong mo dito ang classmate mo? Ay mali nag palipat ka nga pala ng section kaya schoolmate na lang pala tayo” saka ito ngumisi sakin

“ah. sige mauna na ko” nakayuko ulit na sabi ko sakanya

“sandali! Napapansin ko lang na simula nung pasukan parang iniiwasan mo na ko”

Nakarinig na naman ako ng pag tunog sa relos ko kaya mabilis ko tong tinignan 53% ang rate nito “Hi-hindi! Sorry kung yun ang naisip mo”

“iniisip mo ba na bubully-hin ulit kita?”

“huh? Hindi. Wala akong iniisip na ganon”

“talaga?” saka nya inilapit sakin ang mukha nya

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa nyang yon. ~tooot!-tooot!~ malakas at mabilis na pag tunog ng ulit ng relos ko.

“ano yon?”

Pasimple ko naman tinignan ang relos ko 68% na ito “wala yon!” pag de-deny ko pa sakanya

“ang tunog na yon ilan beses ko na din yun narinig parang galing lagi sa relos mo”

Pag kasabi nyang yon ay mabilis ko naman inilagay sa likuran ko ang dalawang kamay ko para itago ang relos ko sakanya “nag kakamali ka”

“sigurado ko! Pakita ng relos mo”
“wag!”

Hindi nya pinansin ang pag suway kong yon sakanya at pilit pa din nyang inabot ang dalawang kamay ko na nasa likuran ko na naging dahilan para mapayakap syang bigla sakin. Sobrang nagulat ako sa pang yayaring yon kaya halos hindi na ko makagalaw pero ang mas kinagulat ko ay nang bigla syang napahinto at dahan-dahan syang lumingon sakin, halos 1 inch na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. Nanlalaki ang mga mata nyang napatitig sakin, halata din sa mukha nya ang pag kagulat, mas bumilis at lumakas tuloy ang pag tunog ng relos ko hanggang sa mawalan na ko ng malay.

-Amara’s POV-

“kyra? Kyra! Wake up!”

Bigla nalang ako nakarinig ng boses ng isang lalaki sa isip ko, sa tingin ko na nanaginip ako. Pakiramdam ko tulog ako pero gising na gising ang diwa ko, pilit kong binubuksan ang mga mata ko pero hindi ko magawa. *Amara dumilat ka!* sigaw ko pa sa sarili ko.

“kyra!”

Isang malakas na boses ulit ang narinig ko na naging dahilan nang biglang pag mulat ng mga mata ko at kasabay pa nito ang malalim na pag inhale ko.

“kyra!? Okay ka na ba?”

Isang mukha ng lalaki ang agad na bumungad sakin. Mabilis naman akong bumangon at agad kong tinignan ang mga kamay ko at hinaplos ang mukha ko. *totoo nga! Nagising na ulit ako!* masayang sabi ko pa sa sarili ko.

“anong nararamdaman mo? Tara dadalin kita sa clinic” nag aalalang sabi pa ng lalaki sakin saka nya ko hinawakan sa braso para hilahin

Only Me and I (Editing)Where stories live. Discover now