Kabanata 25

111 2 0
                                    


“sabi ng mama at papa namin ni Kyra noon hindi ako totoo, isa lang daw akong imahinasyon, pero panong manyayare yon? May sariling pag uugali ako, iba ang mga hilig ko sa hilig ni Kyra, mag kaiba kaming mag isip at syempre mag kaiba kami ng gusto. Gusto nya si Calvin habang ako naman ikaw ang gusto ko Minton”

“ako?”

“oo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag karoon ng sariling buhay at ikaw pa din ang dahilan ngayon kung bakit ako patuloy na nabubuhay at nagigising mula sa loob ni Kyra”

“anong ibig mong sabihin?”

“Ka--kase mahal kita Minton, ngayong alam mo na ang lahat, ngayon mahal mo pa din ba ko or should I say, Ako nga ba talaga ang minahal mo o si Kyra?” seryosong tanong naman nya sakin

“hindi ko alam. Naguguluhan talaga ko, basta ang alam ko ang Kyra na unang umagaw ng atensyon ko ay yung Kyra na nakasama ko sa mall at yung Kyra na nakasayaw ko sa party ni Calvin”

“kung ganon, ako nga yon! Ako nga ang mahal mo Minton” saka sya ngumiti sakin “payag ka ba na maging tayo ulit?”

“pero pano kitang mamahalin kung magigising ka lang sa twing tumataas ang percentage rate ng presyon ni Kyra?”

“Ngayon na pinaalam na sayo ni Kyra ang lahat ng to, isa lang ibig sabihin non. Tanggap na nya na may relasyon tayong dalawa. Kaya kakausapin ko sya na bigyan nya tayong dalawa ng oras para makasama ang isa’t-isa”

“pero kung magiging tayo ulit ibig sabihin ba non magiging kami na din ni Kyra? At dapat ko din ba syang mahalin?”

“syempre hindi! Hindi kami iisa ni Kyra kaya dapat akin ka lang! Kaya nga hihingi tayo ng oras sakanya para pumayag sya na mag karoon tayo ng oras sa isa’t-isa”

“Pe-----”

“sabihin mo lang na mahal mo ko at kaya mong tiisin ang ganitong sitwasyon natin. Pangako patuloy pa din akong gigising at mabubuhay”

*aaminin ko, kahit medyo na guguluhan pa din ako sa lahat ng nalaman ko wala pa din nag bago sa feelings ko para kay Amara. Alam ko na totoong sya ang gusto ko at hindi si Kyra. Kaya bahala na! Basta gusto ko syang makasama kahit sa maikling oras lang at gusto kong protektahan ang sekreto nya*

“sige”

“talaga?”

“oo. Mahal kita kaya kahit mahirap papayag ako”

“salamat!” saka nya ko niyakap ng mahigpit

-Amara’s POV-

*Kyra?*

*Amara*

*ngayon na ikaw na mismo ang nag paalam kay Minton ng lahat siguro naman papa-----*

*oo. Ibibigay ko ang gusto mo, hahayaan kong ipag patuloy nyo ang relasyon nyong dalawa, bibigyan ko kayo ng oras para makasama ang isa’t-isa basta ipangako mo na iingatan mo ang katawan ko*

*oo. Salamat Kyra!*

Tuesday at thursday ang schedule na binigay sakin ni Kyra para mag kasama kami ni Minton, maswerte ko at pumayag si Minton sa schedule na yon. Okay na yon atleast regular na ang pag labas ko, aaminin ko nung una gusto ko lang talagang gamitin si Minton para magising ako pero ngayon sya na talaga ang dahilan kung bakit gusto kong gumising. Nakita ko ang totoong pag mamahal nya sakin para tanggapin ang ganitong sitwasyon namin. Ilan saglit pa ay bumaba na kami ng rooftop ni Minton at mag ka holding hands kaming nag lakad. Nagulat na lang kami ng maka salubong namin bigla si Calvin at Alice.

Only Me and I (Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz