Chapter 1

50K 1K 60
                                    

NAKASIMANGOT na nakatingin si Mirah sa pinto kung saan lumabas ang boss niya. Oo, boss. Boss ang tawag niya sa anak ng ninang niya. Napakabossy kasi nito. Kaya walang araw na hindi sila nagbabangayan dalawa. At kaya siya naiinis dito ngayon ay dahil umaga pa lang ay pineste na naman siya nito. Kaya nanggagalaiti siya sa inis dito at gustong-gusto na niya ito sapatosin.

"Ang sabi nila sa mga post nila sa FB status. 'Umagang kay ganda'. Pwe! sila lang ang maganda ang umaga. Dahil ako ay wala ng atang matinong umagang dumaan sa akin. Lagi na lang pinipeste ng gwapo kung boss. Ang ganda niyang tsuk-tsa-kin ng tinidor. Ang aga-aga e HB na, bweset siya. Sabi nila wag daw mag high blood ang tao dahil nakakapangit yun, e bakit ang kapre na yun kahit magsuplado araw-araw e macho parin. Syesting buhay, ang ganda niya paliguan ng kape." Ani Mirah habang hawak-hawak ang phone niya.

"Mamaya ka lang sa akin at makakaganti rin ako sa'yo. Yan gumana ang matalino kung utak biglang lumitaw ang malaking ilaw sa ulo ko." Sabay tawa nito ng pilya.

"Maglalaba kamo huh! Itong mga damit na 'to lalabhan ko. Peste ka, ginamit mo 'to siguro kagabi ng makipaglandian ka sa babae mo. Makikita mo ang gagawin ko dito." Sabi ng mabait niyang utak este kausap nito ang ang kanyang sarili.

Agad nitong kinuha ang damit ng boss niya at ipinatong niya ito sa plantsahan ng mga damit. Ini-on nito ang plantsa sabay ngiti niya ng pagkatamis tamis. After a minutes ay pinatong niya ang plantsa sa bandang likod ng polo shirt ng boss niya at hinayaan lang niya ito hanggang masunog.

"Yan, ayus kana." Anitong natatawa. Agad siyang kumuha ng hanger at hinanger ang damit ng boss niya bago nito kinuha ang phone. Kinunan niya ng picture ang polo shirt ng boss niyang natatawa.

"Ayan, meron na akong i-popost sa FB ko this day." Ani Mirah. Agad niyang binuksan ang FB account niya.

Click status. What's on your mind?

"LAGOT AKO SA BOSS KO, NASUNOG ANG POLO SHIRT NIYA. TIYAK, SESERMONAN NA NAMAN NIYA AKO NITO PAG-UWI NIYA."

Laman ng tinipa niya sa kanyang phone sabay insert niya ng picture ng polo shirt ng boss niyang sinadya niyang sunogin ng plantsa. Itinag rin niya ang mga partner in crime niyang mga kaibigan bago niya ito pinost.

Nakaupo si Mirah sa couch habang nakapatong ang dalawang paa sa center table ay panay tawa niya habang binabasa ang comment ng mga friends niya sa FB.

"Bruha, bakit nasunog yan?" Tanong ng una niyang commentor sa FB.

"Gagi, adik ka kasi sa kaka Facebook mo. Yan tuloy nasunog ang damit ni hubby mo este boss mo." Anang isa na naman sa mga friend niya sa FB.

Halos sumakit ang tiyan niya sa katatawa habang binabasa ang mga comment ng mga ito sa status niya. Maya't maya ay biglang nagring ang phone niya.

Boss Pangit calling.....

Agad niya itong sinagot. "Yes! Mr. Laurel may nakalimutan ka ba?" Nakangisi nitong tanong sa dito.

"Miss Jalandoni, anong ginawa mo sa damit ko?" Pagalit na tanong nito sa kanya.

"Um! Sorry naman boss, nasunog e. Meron kasing basa e, amoy cloroxx pa kaya pilantsa ko ng matuyo bago ko sana labhan. Kaso, by mistake nasunog." Anitong nagpipigil ng tawa.

"Fvck! Saan ka ba pinaglihing babae ka. Your crazy." Bulyaw nito sa kanya. Kaya agad niyang inilayo ang tawagan sa tainga niya.

"Oppssss....boss hindi ako baliw. Dahil kung baliw ako ay sana sa mental hospital na lang ako ngayon." Pamilosopo nitong sagot.

"Pinapasakit mo ang ulo ko Mirah. Kapag nakauwi ako dyan sa bahay ay baka mabuntis kita ng wala sa oras." Anang kausap niya sabay hinga ng malalim.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now