Chapter 26

18.8K 671 48
                                    

NANG makaalis si Mirah ay hindi rin naman nagtagal ng muling bumukas ang pinto kung saan ito lumabas. Doon agad napatingin si Raissa ng makita niya si Jeb na tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob. Agad itong tumayo sa tapat ni Raissa na nagtatanong ang mga mata.

"Ang anak mo." Anito kay Raisaa. Tila nakikilala naman siya ng bata at ikampay nito ang dalawang kamay at halatang nagpapakuha kay Raissa. Dahil sa tinuran ni Jeb ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Raissa. Hindi niya akalain na magkikita pa sila ng anak niya.

Maingat niyang inabot ito at pikit mata niyang pinaghahalikan ang anak. "Thanks God. Kahit na naging masama ako ay hindi Niya pinabayaan ang anak ko." Anito. "Magpapakabait ka anak ha. Kahit hindi muna ako kilalahaning ina mo paglaki mo makita ko lang na ligtas ka at nasa mabuting kamay ay masaya na ako." Saad nito sa anak.

Mga ilang minuto rin na nasa mga bisig ni Raissa ang anak niya bago niya ito ibinalik kay Jeb na may ngiti na sa labi. Masaya na siyang makitang maayos ang anak niya ngayon. Kaya handa na siya kung ano man ang ihahatol sa kanya ng hukuman.

"Pakisabi sa taong kumupkop sa anak kung maraming salamat. Masaya na akong kahit saglit ay nayakap ko ang anak ko." Anito kay Jeb ng maibalik niya dito ang anak niya.

"Wag kang mag-alala at makakasama mo rin ang anak mo. Pero, sa ngayon ay kailangan mo muna siyang ipagkatiwala sa taong nakapulot sa kanya. At habang nasa loob ka ng kulungan ay asahan mong nasa mabuting kamay ang anak mo." Ani Jeb.

"Salamat. Sapat na sa akin ang nakita ko ngayon ang anak ko." Ani Raissa. Nginitian naman siya ni Jeb sabay tango bago siya lumabas.

"Carding. Ang anak ko. Hindi ko akalain na makikita ko siya dito ngayon." Mangiyak-iyak nitong aniya kay Carding. Agad naman siya nitong niyakap. Ng muling bumukas ang pinto ay alam nilang yun na ang oras para ipasok sila sa loob ng silda. Kaya agad huminga nga malalim si Raissa sabay punas niya ng pisngi kung saan basa ito ng mga luha niya.

"Ready na ba kayo?" Tanong sa kanila ni Brexx. "Sinungaling ako kung sasabihin kung, ready ako. Pero, alam kung kailangan namin tanggapin ang hatol sa amin ngayon." Sagot ni Carding.

"Wag kayong mag-alala at ang girlfriend ko ang hahawak ng kaso niyo. Sinisigurado kung gagawin niya ang lahat mapalaya lang kayo. Kaya kailangan nating sundin ang batas. Gustuhin man namin na wag kayong ipasok sa loob ng silda ay hindi namin magawa. Dahil kailangan natin hintayin ang magiging desesyon ng hukuman.

SAMANTALA ng makauwi sina Mirah at Ace ay biglang napakunot ang noo nilang dalawa. Dahil naratnan nilang dalawa ang mga kaibigan nilang nasa bahay nila.

"B-bakit nandito kayong lahat?" Takang tanong ni Ace sa mga ito. "Makikikain kami dito." Mabilis na sagot ni Austin sa kanya.

"Ano?" Gulat na naibulalas ni Ace. "Hindi ko naman kayo pinapunta dito para pakainin?" Taka paring tanong ni Ace na kinakamot ni Austin ng ulo sabay ngisi.

"Wala kaming alam. Pinatawag kami ni Murillo at pinapapunta dito. Kaya nandito kami dahil masunurin at mabait kaming kaibigan." Sagot ni Yugene na sinang ayunan naman ng mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman sina Renan at Brexx kasama si Jeb. Mabilis namang itinaas ni Jeb ang kamay. "Wag niyo ako tatanungin dahil wala akong alam," mabilis nitong paliwanag. "Baka ikaw Cameron. May alam ka ba. Ikaw kasi itong kasanggang dibdib ni Murillo?" Baling ni Jeb kay Dave na agad umiling.

"Wala akong alam at mas lalong hindi ako mahilig makiusyoso." Sagot ni Dave sabay tingin nito kay Brexx.

"Mas lalo na ako. Busy ako sa kasong hawak namin. Napag-uutusan lang ako dito. Kaya ang tanungin niyo ay itong si Trinidad at Murillo." Ani Brexx sabay turo niya sa dalawa.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now