Chapter 19

19.2K 640 26
                                    

KAHIT na hindi nahuli ng kapolisan ang mga di pa matukoy kung sino-sinong mga kalalakihan na nagtangkang pasukin ang isa sa kilalang banko sa Pilipinas. Ay hindi ito naging dahilan para mawalan sila ng pag-asa. Dahil nakuha naman nila ang plate number ng sasakyang ginamit ng mga ito. Kaya mabilis nilang inalam kung kanino nakapangalan ang naturang sasakyan. Ng makuha nila ang information kung kanino ang sasakyan ay agad silang naghanda ng search warrant. Mabilis ang bawat kilos nila at agad silang nagplano kung ano ang dapat nilang awin sa paglusob sa lugar. Kinakailangan nila itong paghandaan upang wag na ulit silang matakasan ulit.

"Goodluck sa team natin bro," si Renan na buhat-buhat ang anak niya. "Hindi kasi ako makakasama. Walang magbabantay dito." Dagdag pa nitong aniya sa kanila.

Agad naman ginulo ni Spade ang buhok ng anak ni Renan na agad bumungisngis sa kanyang kinatawa niya. "No worries, by this time ay pinapangako kung hindi na makakatakas ang mga gago na yun." Ani Brexx kay Renan na siyang magiging team leader ng mga kapolisang kasama ni Spade. Agad naman tinapik ni Renan ang balikat ni Brexx at Spade.

Matapus ngang magplano at maghanda ng mga ito ay agad nga nilang tinungo ang lugar. Kung saan matatagpuan ang may-ari ng sasakyang nakapangalan sa sasakyang nagtangkang manloob ng banko.

Halos mahigit isang oras din ang naging byahe nila bago nila narating ang lugar. Sa di kalayuan ay inipark nila ang dala nilang mga sasakyan at sila tahimik na naglakad patungo sa isang lumang warehouse. Gamit lang ang mata at kamay na go signal upang magkaintindihan silang lahat sa bawat kilos nila.

Agad nilang nakitang meron dalawang nakabantay na lalaking may hawak na baril sa bungad ng may kalakihan din na kinakalawang ng gate. Kaya iniwertsa ni Brexx ang kamay at agad naman iyon nakuha ng mga kasamahan nila. Maingat na nilapitan ng dalawa sa mga kasama nila ito at walang babalang pinukpok ang ulo ng dalawang lalaki dahilan para mawalan ng malay ang mga ito. Bahagyang sumilip sa loob ng lumang warehouse ang dalawang kasamahan nila Brexx kung meron bang tao doon. Ngunit agad natampal ng dalawa ang noo ng makita ang camerang nakakabit sa taas ng ulo nila. Kaya agad nila iyon ipinarating sa mga kasama nila.

Agad namang nilapitan ni Spade ang dalawa. "Javier, pwede mo bang gawan ng paraan itong mga camera dito." Anito sa kausap sa tawagan.

"Just a minutes." Sagot ng kausap niya. Ilang minuto rin ang hinintay niya bago nagsalita ang nasa kabilang linya. "Okay na." Tipid na anang kausap niya. "Thanks." Anito sabay patay niya na ng tawagan.

Agad na inimwertsa ni Spade ang kamay bilang go signal na pwede na silang pumasok sa loob. Maingat nga silang pumasok sa loob ng lumang warehouse. Sa kaliwa't kanan nila ay nakatingin sila sa isiping baka makuha sila sa patibong.

"Mga parak." Biglang sigaw ng lalaking nakakita sa kanila sabay paputok nito ng baril. Kaya biglang nagkaroon ng palitan ng putok sa loob ng warehouse.

"Mga gunggong, gusto niyo talagang manlaban ha. Pwes! Ibibigay namin sa inyo ang gusto niyo." Ani Spade. Kaya sunod-sunod rin nilang ginantihan ang mga ito.

"Mga gago talaga kayo ano?" Ang iiling-iling na ani Spade sabay kasa ulit niya ng baril at pinaputukan ang mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay napansin ng mga itong mukhang wala silang ligtas sa mga autoridad kundi ang sumuko na lang. Pero wala silang planong sumuko. Hindi nila ugaling sumuko sa mga kapolisan. Dahil meron pa silang trabaho na hindi pa naisasakatuparan dahil nabolilyaso.

"Sa likod tayo." Anang isang lalaki sa mga kasama niya. Halatang tatakas ang mga ito. Ngunit ang hindi nila alam ay meron nakabantay sa likod ng warehouse.

"At saan kayo pupunta?" Tanong ni Brexx sa kanila. Halos mapatalon ang mga ito ng mabungaran nila baril na nakatutuk sa kanila. "Hands up." Utos sa kanila ni Brexx. Kaya walang nagawa ang mga ito kundi ang sumuko na lang.

Babysitting The Brat(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant