Chapter 16

19.4K 671 51
                                    

AFTER magkaaminan nila Mirah at Ace ng nararamdaman nila sa isa't isa ay may isang bagay ang dalaga na gustong malaman sa binata. Yun ay kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ng ex. girlfriend nito. Ang sabi lang kasi ni Spade ay niluko daw nung girl si Ace. Kaya subrang nasaktan ito.

"Um. Ace!"

"Uhm?"

"Can I asked you something?" Kagat labi nitong aniya sa binata. "Okay! Go ahead, baby." Nagtataka man nakangiti parin niyang hinayaan ang nobyang magtanong.

"It's about Sienna." Alanganin nitong tanong. Ng banggitin niya ang pangalan ng ex. ni Ace ay pinag-aralan niya kung ano magiging reaction ng nobyo. Ngunit agad naman niyang nakitang kalmado lang ito.

"Um. Ano ang gusto mong malaman sa kanya?" Tanong naman nito kay Mirah. "Come here." Utos nito sa nobya. Kaya agad sumampa sa kama si Mirah at tumabi sa pagkakasandal ni Ace sa head board ng kama.

"Kung paano kayo nagkakilala. At kung bakit kayo nagbreak." Sagot nito kay Ace. "Bakit wala bang nabanggit sayo si Spade?" Tanong nito na agad naman umiling ang nobya. Kaya huminga muna ito ng malalim sabay halik niya sa ulo ni Mirah.

"Um. Nagkakilala kami during college. Hindi ko alam kung bakit kami naging magkasintahan," anito sabay natawa. "Hindi ko naman siya niligawan. But I love her. Yun ang alam ko sa sarili ko. At doon ko napatunayan na walang forever. Pero love is blind." Saad nito habang nilalaro niya ang ilang hibla ng buhok ni Mirah na nakikinig lang.

"Maganda naman siya at matalino. Kaya proud boyfriend daw ako. Hindi ko alam na yung katalinohan niya ay ginagamit niya para gagohin ako." Mapakla itong natawa. "Dahil nga sa girlfriend ko siya ay bawat hilingin niya sa akin ay pinagbibigyan ko siya. Halos linggo-linggo ay nagpapabili siya ng kung ano-ano. Wala naman akong problema dun. Kaya pinagbibigyan ko siya." Anito.

"Hindi ko alam na sa lahat ng ginagawa ko sa kanyang iyon, kapalit ay panggagago lang pala niya. Isang araw ay nakipagbreak na lang siya bigla sa akin. Ang dahilan niya ay hindi na daw siya masaya sa relasyon namin. Na pupunta na daw siya LA. Ang dami niyang dahilan. At dahil hindi ko ugaling magmakaawa sa isang tao ay pinagbigyan ko siya at hiyaan na makipagbreak sa akin. Akala ko okay na. Pero ng malaman ko ang totoong dahilan kung bakit nakipagbreak siya sa akin. At kung bakit siya pupunta ng LA ay feeling ko gusto kung pumatay ng tao." Mababanaag mo sa boses ni Ace ang galit. Kaya agad yumakap dito si Mirah.

"Dahil sa mga kaibigan ko ay nalaman ko ang totoong pagkatao ni Sienna. Hindi kasi sila makapaniwala na basta-basta na lang siya nakipagbreak sa akin. So, yun. Kaya pala panay pabili niya sa akin ng kung ano-ano ay para ipakita dun sa kachat niyang amerikano na nagmula siya sa may kayang pamilya. Ginamit lang pala niya ako. Ang laki ko namang tanga. Girlfriend ko pa siya ng pumunta dito ng Pilipinas ang kachat niyang taga LA. First meeting nila yun at wala akong alam. Sabi niya magiging busy lang siya dahil meron silang kamag-anak na dumating galing abroad. Naniwala naman ako. I respect her pero ibinigay niya ang sarili niya dun sa lalaking unang beses pa lang niya nakita sa personal." Saad nito.

"Pero, ika nga kung manluluko ka ay babalik sayo kalukuhan mo. Pagdating niya kasi ng LA ay doon niya nalaman na mas mahirap pa pala sa daga ang lalaking pinili niya kesa sa akin. Nagbunga rin ang nangyari sa kanila. Nabuntis siya nung lalaki pero hindi siya pinanagutan. Tinakbuhan siya. Nanggago siya kaya nagago rin siya. At ang perang ginamit niya para makalipad siya papuntang States ay galing sa akin. Yung mga perang hinihingi niya ay iniipon pala niya yun para sa lalaking sa internet lang niya nakilala." Ang naiiling nitong pagkwekwento.

"Kaya mula ng malaman ko ang ginawa niya ay hindi na ako nagtiwala ulit ng ibang babae. Pakiramdam ko kasi ay lulukuhin lang din ako. Kaya pinasok ko ang klase ng trabahong meron ako sa kumpanya ni Murillo kahit meron naman akong sariling kumpanya. Pero, nagkamali ako. Dumating ka. Ginulo mo ang tahimik kung buhay." Anito. Napatingala naman dito si Mirah.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now