Chapter 20

21.5K 739 84
                                    

Warning: Rated SPG
👉Ito na po ang pinakahihintay niyo ang pagtatanim ng Kapre sa kaparangan ng saging. Sa mga inosente dyan ay pakipikit niyo na lang po ang inyong mga mata. Kung hindi po niyo kaya ay pakikuha ang takip ng kaldero at gawin niyong panakip ng mata.
.
.
.
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa tuloyang naghilom ang sugat ni Ace sa braso. At dahil sa nasanay siyang siya ang nag-aalaga sa nobya ay lagi nila itong pinagtatalunan. Lagi kasing iginigiit ng nobya na mabibinat ang sugat niya na paano daw ito gagaling kung hindi siya dito nakikinig. At dahil mas makatweran siya ay laging siya ang nanalo dito. Kaya lagi itong nagtatampo sa kanya. At kung nagtatampo na ito ay agad naman niya itong sinusuyo.

"Baby! Let's go." Yakag ni Ace sa nobya. Pupunta sila sa bahay ng kaibigan nilang si Alex dahil magpapalunch daw ito. Kaya siguradong maging ang mga kaibigan niyang mga kuripot ay matutuwa at makikikain sila dito.

"I'm ready." Ani Mirah sabay angkala sa braso ni Ace. Sa halip na umalis sila ay agad itong binuhat ni Ace at siniil niya ng halik. Wala naman nagawa ang nobya kundi ang ipulupot ang dalawang binti sa baywang ni Ace habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa batok nito. Kapwa nila habol ang paghinga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Akala ko ba ay aalis na tayo?" Natatawa nitong tanong sa nobyo. "Aalis na nga pero hindi ko matiis na wag muna halikan ang mapupulang labi na 'to." Sagot nito sa nobya.

Halos limang minuto rin ang lumipas bago nagpasyang umalis ng bahay si Ace. Naiiling na lang dito ang nobya. Agad nga silang pumunta sa bahay ng mag-asawang Alex at Ellah. At pagdating nila dito ay agad nilang nabungaran ang mukha ng mga kaibigan ni Ace na naroon na.

"Oh! Nandito na ang isa pang loverboy." Buksa nila agad kay Ace. Napailing na lang siyang  naupo kasama ang mga ito. Ang nobya naman niya ay nakihalubilo ito sa mga girls sa loob ng bahay nila Alex. "Langya talaga kayo. Ako naman ang nakita niyo dito. Itong si Javier II dapat ang sinasabon niyo dahil nainlove sa tsikwa." Ani Ace sa kanila na kinaasim ng mukha ni Tyrone.

"Tangina mo. Nanahimik ako dito." Agad na ani Tyrone na kinatawa nilang magkakaibigan. "Wish ko lang kapag ang mga girlfriend niyo ang naglihi ay pagsuotin nila kayo ng lingerie." Bigla namang ani X sa kanila sabay high five nito kay Alex na natawa.

"Kung sa paglilihi lang ang pag-uusapan ay hindi magpapatalo ang asawa ng kapatid ko. Dahil lahat tayo ay nakatikim." Sabat naman ni Chase sa kanilang agad nilang sinang ayunan.

"Kapag naglihi ulit asawa ni Belmonte II ay magtalago na ako." Ang taas kamay na si Simon. "Anong magtalago?" Kunot ang noo namang tanong ni Ryeo dito.

"Matatago, gago." Ang natatawang pagtatama ni Austin sa sinabi ni Simon. "That's it." Kakamot-kamot namang ani Simon.

"Bakit ang tahimik mo Ho?" Taka namang tanong ni Ace kay Elijah na tahimik lang. "Nhaaaaa! Nag-iisip lang ako kung paano ako magkakapera mula sa inyo. Ang kukurepot niyo kasi." Sagot nito.

"Pamilyado na ako Ho. Meron akong anak na kailangan ibili ng pampers niya. Kaya nagtitipid na ako." Mabilis namang ani Renan. Halos lahat ang mga ito ay may dahilan kay Elijah upang wag sila nito makutungan.

"Wala pa akong pundo. Single pa ako," Si Andrie naman na itinaas agad niya ang dalawang kamay. "Magpapasalo muna ako sa pinsan kung gwapo. Diba bro." Ang nakangisi nitong aniya kay Frank.

Kung hindi pa sila ipinatawag ng asawa ni Alex na handa na ang mesa ay hindi matitigil ang magkakaibigan. Agad na dumulog ang mga ito sa hapag kainan.

Matapus maglunch ng mga ito sa bahay ng mag-asawang Alex at Ellah ay agad din nagsiuwian ang magkakaibigan. Nakasanayan na kasi nilang magkakaibigan na everyweek ay kung hindi nagpapalunch ang isa sa kanila ay magpapadinner naman.

Babysitting The Brat(Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ