Chapter 28

20.6K 671 42
                                    

LUMIPAS ang buwan. Kahit na nalaman na ni Mirah na buhay pala ang magulang niya. At hindi pala totoong patay ang mga ito ay nanatili parin siya sa bahay ng nobyo. Ayaw niyang pumunta kahit saan na hindi kasama si Ace. Nasanay na kasi siyang nasa tabi niya ito. Kaya nasisiguro niyang hindi niya kaya kahit ilang oras lang siguro na hindi ito makasama at makita.

"Gago, bakit mo kami pinatawag?" Takang tanong ni JB kay Ace. "I need your help. Because I don't know how to proposed with my girlfriend." Kakamot-kamot nitong sagot.

"Tangina mo. Nagtanim ka tapus hindi mo alam kung paano magproposed." Saad naman dito ni Tyrone.

"Magsucide ka o dikaya ay magpasagasa ka. Tiyak magpapakasal ng wala sa oras si Mirah sayo." Sabat naman dito ni Andrie.

"Paano pa siya magpapakasal kay Laurel kung natuluyan siya, gago." Sagot naman dito ni Duncan. "Multo na siya nun, bro." Saad naman dito ni Chase. Kaya agad ditong nakapaghigh five si Andrie.

"Bakit ka pa magproposed kung alam naman niyang hindi mo siya ipamimigay sa iba. Kaya pakasalan muna agad." Sabat naman ni Renan na sinang ayunan ni Frank.

"Tangina niyo. Lumayas na nga lang kayo. Puro katarantaduhan naman ang sa inyo." Pagsuko niya sa mga ito. "Hindi libre ang oras ko Laurel. Meron akong anak na binabantayan pero nagmakaawa ako sa asawa kung pumunta dito para tulungan ka. Pero pinapalayas muna naman kami." Nakasimangot na ani Rain sa kanya.

"Kay Belmonte number two ka magtanong. Siya itong subrang makata dito at romantiko." Ani X na nakatatawa. "Yeah! Dahil ikaw ay akyat bahay ang alam mo. Kaya siguradong papayag na lang maging girlfriend mo ang isang babae kung gabi-gabi mong inaakyat at ginagapang." Sagot naman ni TJ kay X na napakamot ng ulo.

"Oh! Nandito na si Belmonte. Sa kanya ka magtanong." Ani Mark ng makita niyang dumating si Yugene kasama niya si Alex at Axel. Napakunot naman ang noo nito ng makalapit sila sa mga ito. "About what?" Taka nitong tanong.

"Nagpapaturo ang fucker na 'to kung paano magproposed." Si Austin na sumagot sa tanong ni Yugene. "Buntisin mo tiyak hindi na papalag at magpapakasal agad sayo." Ani Axel na hindi mo alam kung nagbibiro ba o seryoso. At sinakyan rin ng kakambal nitong si Alex ang tinuran ni Axel. Maging si Frank ay sumang ayon sa tinuran ni Axel.

"Basta ipakita mo lang sa kanyang mahal mo siya. I'm sure hindi yan aatras kapag sinabi mong magpapakasal na kayo." Ani Frank. "At iparamdam mo sa kanya kung gaano siya kaimportante sa buhay mo." Segunda naman ni Alex.

"Ako nalang ang magtuturo sayo Laurel, kaso mahal ako kung maningil." Sabat naman ni Elijah sa usapan nila. Napailing na lang si Ace sa mga ito. Dahil mukhang wala siyang matinong idea na makukuha mula sa mga ito. Maya't maya ay bigla niyang natampal ang noo. Hindi nga pala marunong manligaw ang mga ito. Magproposed pa kaya.

"Bro, isipin mo kung gaano siya kaimportante sayo. Kaya mo ba siyang mawala sa buhay mo? If you cant, then gumawa ka ng way para pormal kang makapagproposed sa kanya. Hindi mo kailangan ang lugar, time, preperation. Basta magtiwala ka sa sarili mong ginagawa mo ang lahat because you love her and you can't lose a person like her in your life. Kaya mo bang gumising sa umaga na wala siya sa tabi mo. Kaya mo bang matulog sa gabi na hindi siya ang huling taong nakita mo bago mo ipikit ang mga mata mo? I know you cant. Kaya bago pumuti ang uwak, magproposed ka sa kanya. Ang takbo ng oras ay hindi mo namamalayan. Kaya hanggat may pagkakataon ka to spend the rest of your lives with her, then pakasalan mo siya. Dahil iba yung pakiramdam na dala-dala niya ang pangalan mo." Ani Yugene kay Ace na kinatahimik nilang lahat sabay kamot ng ulo. Dahil lahat ng tinuran nito ay tama at gaya nila hindi nila hindi nila kayang gumising sa umagang wala sa tabi nila ang mahal nila. At ganun din bago sila matulog.

"Oh! May idea kana ba Laurel? Dahil kung hindi lang asawa ni Princess si Belmonte ay tiyak na pagkakamalan kung pastor sa baryo kung makapangaral." Ani Austin na agad binatukan ni Aeron. "Tangna mo. Wag mo ibigay ang kamay ng kapatid mo Javier sa kanya. Paluhain mo siya ng dugo." Ani Aeron na kinasimangot ni Austin. Kaya pinagtawanan nila ito.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now