Chapter 14

19.8K 688 51
                                    

LUMIPAS ang mga araw na kasama nila Mirah ang lolo niya sa bahay ni Ace. Mukhang nawiwili na itong kasama sila. Nakahanap na rin ito ng bago niyang kaibigan sa loob ng subdivision nila.

"Lo, saan kayo pupunta?" Tanong ni Mirah sa lolo niya ng makita niya ito. "Maglalaro lang kami ng chess nila Hector." Sagot nito na ang tinutukoy ay ang ama ni Jasmine na si Hector na siyang nagmamay ari ng V-Mall.

"Okay! Take care, grandpa." Habilin niya dito bago siya humalik sa pisngi ng lolo niya. "Thank you apo. Oh! Siya, aalis na ako." Paalam nito kay Mirah.

"Papz! Ihahatid ko na lang po kayo. Paalis naman din po ako." Ani Spade. "Sige!" Panabay ngang umalis ang dalawa. Ng makaalis ang lolo ni Mirah ay agad siyang pumanhik patungo sa kwarto nila ni Ace.

"Baby! Iiwan muna kita sa bahay ng mga kaibigan ko. Dahil sasama ako sa mission ng mga NBI. Alam na kasi nila kung nasaan daw nagtatago si Rizza." Paalam ni Ace sa kanya.

"Um. Okay! Sa bahay nila Jasmine mo ako ihatid. Nandoon din si lolo ngayon." Sagot naman nito. Kaya agad napangiti si Ace. Agad niyang hinapit sa baywang si Mirah bago niya ito kinintalan ng halik sa labi.

Agad ngang inihatid ni Ace si Mirah sa bahay ng kaibigan niyang si Axel. "Mag-iingat ka." Anito kay Ace ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Axel. Katabi lang nito ang bahay ng kakambal ni Axel na si Alex.

"I will baby. Hintayin mo ako dito ha." Sagot nito. Agad niyang ginawaran ng halik sa labi si Mirah bago ito bumaba ng sasakyan. Ng makalabas ng sasakyan si Mirah ay agad itong pumasok sa gate ng bahay nila Axel.

Ng mawala sa paningin ni Ace si Mirah ay saka nito muling pinausad ang sasakyan. Tuloy-tuloy ito sa pagmamaneho patungo sa lugar kung saan nagtatago si Rizza kasama ang mga taong kinuha niya para protektahan siya.

"Hey! Bro, kumusta ang mean target?" Tanong niya kay Brexx Almonte na siyang team leader ng mga NBI na naroon. "Wala pa kaming nakikitang any movement sa location." Mabilis nitong sagot.

"Sigurado ba kayong nandyan ang pinaghahanap natin?" Tanong ni Brexx sa mga kasama nila. "Yes! Sir." Halos panabay na sagot ng mga ito kay Brexx.

"Bang"

Agad silang napabunot ng baril matapus magwarning shot ang isa sa mga kasama nila.

"Sir! Tatakas ang mga gago." Sigaw nito. Kaya agad nilang sinundan ang mga ito.

"Dapa." Sigaw ni Brexx sa kanila ng paputukan sila ng mga armadong kalalakihang tinutugis nila. "Mga gago na 'to. Mukhang gusto nilang ihatid kay kamatayan." Ani Ace sabay kasa niya ng baril at inasinta ang lalaking nasa di kalayuan.

"Aaaahhhh!"

Agad napahiyaw ang lalaki ng tamaan ito ni Ace sa binti.

"Nice shot Laurel." Ang natatawang ani Brexx kay Ace na napailing. Sa tuwing magpapaputok ang nasa kabilang side ay mabilis rin namang ginagantihan nila Ace.

Maya't maya lang ay agad naglakad si Ace at Brexx. Agad mo nang nagkatinginan ang dalawa bago sila humakbang ng magkaibang daan. Ang bawat isa ay hawak ng dalawang kamay ang baril habang nakayukong naglalakad.

"Bang Bang"

Agad nagkubli si Ace ng paputukan siya ng kalaban nila. Mula sa pinagkukublian niya ay agad siyang nagpaputok ng walang kasiguraduhan kung tatamaan ba ang kalaban niya o hindi.

Ng wala ng marinig na putok si Ace sa gawi niya ay agad siyang sumilip sa pinagtataguan niya. Ng makita niyang walang gumagalaw na kalaban ay muli siyang lumabas at naglakad ng dahan-dahan.

"Yaahhhhh!" Agad nabitawan ni Ace ang baril na hawak ng bigla siyang sugurin ng isang lalaki. Napailing naman siyang hinarap ito. Mukhang kailangan niyang makipag one on one sa kalaban. Agad niyang iniangat ang dalawang kamay at hinamon niya ang lalaking may katabaan rin na sugurin siya.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now