Chapter 5

22.5K 657 37
                                    

LUMIPAS ang mga araw ay wala parin maayos na impormasyong nakukuha ang magkapatid na Laurel. Palitan ang dalawa kung kumilos para makahanap sila ng magiging witness nila ngunit tila mailap sa kanila ang pagkakataon. Kaya naman isang araw ng meron makuhang maliit na impormasyon si Spade ay agad silang nag-usap ni Ace tungkol sa nalaman niya. Maging ito ay hindi parin niya malaman ang dahilan kung bakit sinadyang maaksidente ang mag-asawang Jalandoni. At maging ang anak ng mga ito ay gusto rin patayin ng taong nasa likod ng pangyayari.

Gulong-gulo ang isip ni Spade kung ano ang totoong mutibo ng taong nasa likod ng pagkamatay ng magulang ni Mirah. Kung ano ang dahilan nito at nagawa niyang ihatid kay kamatayan ang mag-asawa at bakit gusto rin nitong mamatay si Mirah.

"Naguguluhan talaga ako kung bakit niya sidyang maaksidente ang magulang ni Mirah at maging siya ay gusto rin nitong ipapatay?" Ang naguguluhang paring ani Spade kay Ace.

"Hindi kaya tungkol sa mga ari-arian meron sila bro?" Tanong naman ni Ace. "Malay mo gusto niyang makuha ang mga ari-arian ng magulang ni Mirah. At dahil nag-iisang anak si Mirah ay natural na sa kanya mapupunta ang lahat ng pag-aari ng mag-asawang Jalandoni." Dagdag pa nito.

"Maaring ganyan ang dahilan bro kaya gustong mamatay rin ni Raissa si Mirah." Pagsang ayon dito ni Spade. "Pero, hanggat humihinga pa ako ay hinding-hindi niya makakanti si Mirah. Wala akong pakialam kung sino man siya. Dahil once na sinaktan niya si Mirah o kinanti I swear I will kill her too." Ani Ace sabay igting ng mga panga niya.

Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila alam na naririnig pala sila ni Mirah. Tahimik lang itong nakikinig at dahil sa narinig niya ay biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa pisngi niya ngunit agad rin niya itong tinuyo.

"Alam ko kung bakit niya kami gustong ubusin. Pero bakit pati si Daddy ay ipinapatay niya kung si Dad lang naman ang pakay niya?" Boses ni Mirah na nagpalingon sa magkapatid.

"Mirah?"

Panabay na ani Ace at Spade. Natatawa ng mapakla si Mirah na naupo sa tabi ni Ace. Namamaga pa ang mga mata nito dahil sa walang patid niyang pag-iyak.

"Alam kung obsessed si tita Raissa kay Dad. Pero ipinagsawalang bahala lang ni Daddy. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Paano niya naatim na patayin ang parents ko at maging ako ay gusto rin niyang isunod." Anito sabay hilamus niya ng mukha.

"She's crazy. Hindi lang maliit ang sira niya sa tuktuk ng ulo kundi malubha na. Noon ay sinasabi niya kay Daddy na magpapakamatay siya kapag di siya pinagbigyan ni Dad. Pero hindi natinag sa kanya si Daddy," naiiling nitong aniya. "Ang sama niya para patayin ang parents ko. Tangina niya." Galit na ani Mirah. Agad naman hinawakan ni Ace ang kamay niya at pinisil. Kaya napabuntong hininga siya.

"Kailangan natin ng matinding ebidensya para idiin siya sa pagkakamatay ng magulang mo. Hindi kasi sapat ang nakuhang ebidensya ng mga NBI." Saad naman ni Spade. "Paano tayo makakakuha ng ebidensyang magdidiin sa baliw na yun?" Tanong nito kay Spade.

"Yan ang pinag-aaralan ng mga NBI at ng team namin." Sagot sa kanya nito. "Sana mabulok siya sa kulungan." Galit nitong aniya.

"No worry, mananagot rin ang dapat managot sa pagkamatay ng parents mo." Aniya naman ni Ace sa kanya. "At kailangan nating lumipat ng bahay. Dahil alam kung madali ka nila matutunton kung nandito ka." Dagdag pa ni Ace.

"That's true. Lalo pa at gusto ng lolo muna doon ka magstay sa kanila at alam nilang nandito ka. Gusto pa atang ipagpilitan ng asawa ng lolo muna doon ka sa kanila. At kung hindi papayag sina Mom and Dad ay kakasohan daw nila. Kaya naman---" bahagyang pinutol ni Spade ang kasunod ng sasabihin sana niya.

"Kaya naman---what?" Kunot ang noo na tanong ni Mirah kay Spade. "Papalabasin ni Mommy sa kanilang fiance ka ni Ace. Para matigil sila at hindi na sila magpumilit na sa kanila ka magstay." Sagot nito. Kaya napalingon si Mirah kay Ace nakikinig lang sa dalawa.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now