Chapter 25

18.3K 653 39
                                    

---Opsss!!! Namali ako ng pindot😂😂😂Mae Garcia....yung secret natin ha🙊🙊🙊👌
.
.
.
.
HABANG nakaupo sina Ace at Mirah kasama ang lolo niya sa kanilang sala ay bigla silang napalingon ng makita nilang pumasok si Spade. Tuloy-tuloy itong lumapit sa kanila sabay upo niya.

"Anong nangyari, hunky Spade?" Kunot ang noo na tanong ni Mirah dito. "Um. I'm shock. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon sa natuklasan namin." Saad nitong tila wala pa nga rin sa tamang hwesyo.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Ace na naguguluhan sa kapatid. "Brat, alam mo mabuti na lang at naagapan mong ilayo ang lolo mo kay Rizza. Kundi baka pati si Papz ay nadeadbull." Anitong mas lalong ipinagtaka ng tatlo.

"Hunky Spade, umayos ka nga kundi sasapakin kita dyan." Sita dito ni Mirah. Napakamot naman ito ng ulo.

"Ano kasi. Si Raissa at Carding ay sumuko na," Anito. Napaupo naman ng tuwid ang tatlo. "At nalaman naming hindi pala anak ni Rizza si Raissa. Step daughter lang niya si Raissa. Si Rizza ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Raissa dahil siguro sa kunsemisyon. Nabaon kasi sa utang dahil kay Rizza. Kaya ng mamatay ang ama ni Raissa ay ipinambayad ni Rizza si Raissa sa pinagkautangan ng asawa niya. At nabuntis at nagkaanak si Raissa dahil sapilitan daw siyang pinakialaman nung taong pinagkautangan ng ama niya. Pero yung anak niya ay ninakaw ni Rizza at pinalabas niyang ibininta ni Raissa. Kaya tinakasan ni Raissa ang ama ng anak niya sa takot na patayin siya. Pero dahil wala siyang matakbuhan ay bumalik siya kay Raissa. Kaya kapalit na wag siyang ibalik sa ama ng anak niya ay kinailangan niyang sundin ang lahat ng ipag-uutos ni Rizza sa kanya. At ang lahat ng ginawa ni Raissa at Carding ay si Rizza ang may pakana. Dinaan sa kanila para malinis ang record ni Rizza once na natuklasan ang kahayupan niya." Pagkwekwento nito.

"My God. At saan niya dinala ang anak ni Raissa? At kahit bata e dinadamay niya. Anong laban at alam nun e musmus pa lang?" Hindi makapaniwalang ani Mirah.

"Safe yung anak ni Raissa dahil mabuting tao ang nakapulot. Nasa pinsan ni Jeb bro, yung batang napulot ng pinsan niya ang anak ni Raissa." Sagot nito.

"Thanks God." Naiusal agad ni Mirah.

"Anong mangyayari sa kaso nila bro?" Tanong ni Ace sa kapatid. "I think mababawasan ang sentensya sa kanila. Dahil meron silang hawak na magdidiin kay Rizza na siyang utak ng lahat, na ginamit lang sila ni Rizza." Sagot nitong kinatango ni Ace.

"Ibig sabihin ay si Rizza talaga ang may pakana ng pagkakaaksidente nila Mommy at Daddy." Malungkot na ani Mirah ng maalala ang sinapit ng magulang niya.

"Ganun nga. Gusto kasing makuha ni Rizza ang pag-aari ng pamilya niyo. Kaso nabigo siya sa plano niya." Ani Spade.

"Akala ko ang anak lang ni Sienna ang idinamay niya sa kabaliwan niya. Mali pala. Dahil meron na pala siyang naunang dinamay na musmus pa lang." Ang naiiling na ani Mirah.

"Sana mabulok siya sa kulungan sa lahat ng ginawa niya. Marami na pala siyang ginagong tao." Biglang sabat ng lolo ni Mirah. "Sana nga po Papz. Dahil hindi lang niya tayong lahat ginago kundi binaliw rin. Paikot-ikot na lang tayo sa paghahanap ng salarin ang hindi pala natin alam ay nasa malapit lang ito." Pagsang ayun ni Spade sa lolo ni Mirah.

Maya't maya ay nagpaalam rin sa kanila si Spade na magpapahinga muna dahil sa pagud. Kaya hinayaan na nila ito.

"Ibig sabihin ay hindi totoong may gusto si Raissa kay Dad. Maybe plano lang iyon ni Rizza. Ang makipaglaro para makuha niya ang meron si Dad kung si Rizza nga ang utak ng lahat." Ani Mirah na nag-iisip.

"I think so, baby." Sagot dito ni Ace. "Sayang. Kaedaran niyo lang si Raissa. Pero maling daan ang tinahak niya." Saad naman ng lolo ni Mirah.

"Ganun talaga Grandpa, kapag ang anak ay walang magulang na gumagabay ay minsan nanaig ang maling pananaw dito. Dahil walang nagsasabi sa kanyang mali ang ginagawa mo. Walang nagsasabi sa kanyang maling daan ang tinatahak mo." Seryosong ani Mirah. Naisip kasi niya ang sinapit niya. Kung wala sa tabi niya ang magulang ni Ace, si Spade at ang nobyo ay malamang na isinakamay na niya ang hustisya para sa magulang noon. Ngunit nagpapasalamat siya at hindi niya iyon nagawa ngayon. Kundi habang buhay niyang pagsisihan na gumawa siya ng krimen.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now