Chapter 23

18.7K 627 35
                                    

SA isang apartment dinala ng mga taohan ni Rizza ang anak ni Sienna. Tahimik lang na nakamata sa kanila ang bata. Tila pinag-aaralan nito ang bawat kilos ng mga ito.

"Oh! Ayan. Kumain ka bata." Sabay lapag nila ng plato sa harapan niya. Tiningnan lang niya ito sabay lipat niya ng tingin sa lalaking naglapag ng pagkain sa harapan niya. "Kumain ka kung ayaw mong magutom." Saad nila dito. Agad naman itong umiling.

"Bakit?"

"Hindi po ako kumakain nito. Meron po akong allergy dyan. Tapus po kinidnap niyo ako di niyo man lang po sinama ang gamot ko. Tapus po mag-aalala ngayon ng subra si Mommy ko." Sagot nito sa kanila.

"Fine. Anong gusto mong kainin kung ganun?" Tanong naman nila kay Archer. "Jollibee po." Pangiti nitong sagot.

"Sige. Ibibili ka namin ng Jollibee." Saad nila sa kanya. "Talaga po." Paniniguro naman niya sa mga ito.

"Bumili kayo ng Jollibee para sa kanya." Utos ng pinuno ng mga ito sa mga kasama niya. "Ako na lang ang bibili. Naubos kasi yung laman ng ref na inomin. Kaya bibili ako." Sagot ng isa sa mga ito.

"Sige. Bilisan mo lang Waldo, baka magutom itong bata tayo ang malintikan." Agad naman itong tumalima.

"Mommy! Sana po hinahanap niyo na po ako. Ayaw ko po sa mga lalaking ito. Mukha po silang mga bad." Taimtim na ani Archer sa isip niya.

DALI-DALI ngang umalis si Waldo para bumili ng beer at makakain ni Archer na Jollibee. Habang naglalakad ito ay meron agad nakakilala sa kanya. Kaya agad siya nitong sinundan. Ang bawat galaw ni Waldo ay meron nakamata sa kanya.

Matapus bumili ni Waldo ng beer at Jollibee para kay Archer ay muli siyang bumalik sa tinutuloyan nilang appartment.

Ang taong nakakita kay Waldo ay agad nitong itinawag ang nakita niya. "Sigurado ka bang isa siya sa mga nakita mo?" Paniniguro ng kausap nito.

"Sigurado po ako boss." Sagot naman nito. "Sige. Wag kang munang umalis dyan at magmanman ka muna sa paligid. Pero, wag kang magpapahalata." Utos sa kanya ng kausap niya bago nawala sa linya.

Halos kalahating oras lang ang lumipas ng dumating ang mga taong tinawagan ng nakakita kay Waldo. Agad niyang itinuro kung saan tumuloy ang taong hinahanap nila.

"Tangina nila, pati bata e dinamay nila sa kademonyohan nila." Ang nanggagalaiting ani Renan.

"Paano tayo makakapasok dyan?" Tanong naman ni Austin sa kanila. "Tangina mo. Bakit ka ba sumama dito. Kapag meron nakakita sayo e papyestahan ka dito ng media." Sita naman dito ni Jeb.

"Ayaw mo nun. Makita nila kung paano mag-ala ninja star ang kagwapuhan ko." May pagmamalaki nitong saad. "Kahit kailan talaga e siraulo ka." Ani Blake sabay batok niya sa pinsang si Austin.

"Masakit yun ah!" Reklamo nito sabay kamot ng batok niyang binatukan ni Blake.

"Titigil ba kayo o hindi?" Ani Alex na kinatahimik ng mga ito. Natatawa sabay iling naman sa kanila si Axel. "Kakausapin ko lang ang may ari ng apartment." Saad sa kanila ni Frank.

Agad nga itong lumabas ng sinasakyan nilang van at pinuntahan niya ang apartment. Agad siyang nagtanong kung saan ang may ari nito. Ng maituro naman sa kanya ito ay dali-dali niya itong kinausap.

"Sir, pasensya na po--" hindi na natapus ng sasabihin niya ang babaeng kaharap ni Frank matapus niya itong pakitaan ng pera. "Dadagdagan ko pa yan, ituro mo lang kung saan ko makikita ang taong ito?" Anito sa may ari ng appartment. Napalunok naman ang landlady sa nakikitang isang bundle ng tig isang libong pera sa harapan niya. At sa isiping dadagdagan pa iyon ng kaharap niya ay bigla siyang nagalak.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now