Chapter 8

20.9K 756 38
                                    

NANG matunugan ng mga tao ni Rsissa na paparating mga NBI at kapolisan ay agad nila itong inireport sa kanya. Kampanti itong nakatingin sa malayo ng maratnan ng kanang kamay niya.

"Ma'am! Kailangan natin makaalis dito bago dumating ang mga police." Anito kay Raissa na agad napaangat ng tingin. "Anong ibig mong sabihin?" Taka nitong tanong.

"Darating dito ang mga kapolisan ano mang oras. Kaya bago sila dumating ay nakaalis na tayo. Dahil namonitored nila itong lugar kung nasaan tayo." Paliwanag nito.

"Paano naman tayo aalis dito?" Natataranta niyang tanong. "Ako po ang bahala sa inyo." Anito. Kaya agad siyang sumunod dito.

Agad hinanda ng kanang kamay niya ang isang motor bike. Pinasuot niya si Raissa ng helmet bago niya isinuot ang isa pang helmet. Agad ito sumampa sa motor at inistart niya. Ng maistart niya ang kulay itim na motor ay saka niya inabot ang kamay ni Raissa upang makasampa rin ito sa motor sa bandang likuran niya. Ng masiguro nitong nakaupo ng maayos si Raissa ay saka niya pinatkbo ang motor ng matulin.

Halos mga kalahating oras lang ang lumipas ay siya namang pagdating ng mga NBI at kapolisan kasama sina Spade sa lugar na pinagtataguan ni Raissa.

Ang bawat isa ay alert sa pagpasok nila sa bahay na kung saan naghihintay lang sa kanilang pagdating ang mga taong nandoon.

"Still no movement." Boses iyon ni Spade na nasa di kalayuan kung saan nasa mataas na bahagi siya ng lugar hawak ang sniper niya. "Back position. Back position." Magkasunod niyang imporma sa mga ito. Kaya napaatras ang mga kasama niya.

"Meron limang nakabantay sa bandang unahan niyo, position number one." Saad nito. Kaya bahagyang yumuko ang mga ito. "Position number two. Wait my signal." Kausap naman niya ang nasa ikalawang position gamit ang maliit na microphone na nakakabit sa kanilang mga team leader.

Agad niyang ikinasa ang sniper niya. At dahil gabi na ng lumusub sila sa lugar ay kaya naman gumagamit siya ng night vision na teleskupiyo. Agad niyang inasinta ang dalawang lalaki na nakapwesto sa ikalawang pwesto ng grupo nila.

"Position number two. You can move now. Just walk straight." Utos niya sa ikalawang grupo. "Position number one be ready." Saad naman niya sa unang pwesto. Ng makita ni Spade na umalis ang isa sa mga ito ay kaya naman agad niya itong sinundan. Gamit ang maliit na teleskupiyo ay nakita niya kung nasaan ito. Kaya agad niya itong inasinta. Ng sundan ng dalawa niyang kasama ang umalis nilang kasama ay agad rin itong inasinta ni Spade.

"Bang Bang Bang"

Magkasunod na nagpaputok ang isa sa inasinta ni Spade. Kaya agad nagkagulo ang mga kasama nito.

"Mga putang ina niyo. I will kill you all." Ani Spade sa isip niya. Kaya bawat makita niya sa maliit na teleskupiyo ay inaasinta niya.

Ng magpaputok ang mga taohan ni Raissa ay hindi ito inurungan ng mga kasama ni Spade. Ginantihan rin nila ito. Kaya ang tahimik na gabi ay napalitan ng palitan ng putok ng baril.

Ng makita ng mga taohan ni Raissa na marami pala ang kalaban nila ay mabilis na sumuko ang mga ito. Kaya agad nilang hinaluglug ang kabahayan. Ngunit walang Raissa silang nakita doon.

"Laurel! Wala dito si Raissa." Imporma nila kay Spade. Kaya agad hinawakan ni Spade ang isa sa mga taohan ni Raissa.

"Nasaan ang amo niyo?" May diin niyang tanong dito. "Wala siya dito." Sagot naman nitong natatakot. "Saan siya pumunta?" Tanong niya ulit.

"Nasaan siya?" Tanong ulit dito ni Spade. "Hindi po namin alam. Kakaalis lang nila." Paliwanag naman nito at itinuro kung saan sina Raissa dumaan. Kaya napahilamus agad si Spade ng mukha.

Babysitting The Brat(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora