Chapter 13

19.4K 721 60
                                    

AGAD na nagkagulo ang nasa loob at labas ng kumapanyang pag-aari ng mga Jalandoni dahil sa maliit na bag na nasa sa labas mismo ng gusali. Isa itong kulay itim na bag at basta na lang doon iniwan ng isang lalaking nakamotorsiklo. Kaya agad nila itong itinawag sa kapolisan.

Ng dumating ang mga autoridad ay agad nilang tiningnan kung ano ang laman ng bag.

"Secure the place, make sure ang lahat ng tao sa loob ng building ay makalabas." Utos agad ni Renan sa mga kasama niyang mga NBI ng masigurado nila ang laman ng bag. "Wag niyo hayaang meron makalapit ditong mga sibilyan." Dagdag niya sa mga ito.

"Hello. Murillo, I need a bomb expert." Agad nitong aniya sa tinawagan. "Bakit anong problema?" Taka namang tanong sa kanya ng tinawagan.

"Meron nag-iwan ng bomba dito sa labasa mismo ng gusaling pag-aari ng mga Jalandoni." Sagot naman dito ni Renan. "Sige. Ipapadala ko rin dyan agad." Anang nasa kabilang linya bago ito nawala.

"Anong balita?" Tanong agad ni Spade kay Renan ng dumating ito. "Isang bomba ang iniwan ng nakamotor bike kanina. Hininhtay pa natin ang bomb expert na ipapada dito ni Murillo." Sagot sa kanya ni Renan.

Minuto ang lumipas ng dumating ang isang sasakyan. Napanganga naman si Renan at Spade ng makita nila kung sino ang dumating.

"Teka! Wag mo sabihin na siya ang ipinadala ni Murillo?" Si Spade na hindi makapaniwala sa nakikita. "Malay ko." Sagot naman ni Renan na nagkibit balikat.

"Where is the bomb?" Tanong ng  bagong dating. "Are you sure na kaya mong patigilin bago sumabog ang bomb na yan?" Paniniguro dito ni Spade.

"Bakit wala kang tiwala sa akin?" Saad naman nito kay Spade. "I don't know. I have no idea kung magagawa mo ba ang wag sumabog ang bomba na yan. Ang alam ko kasi ay magaling ka lang sa pagkalikot ng mga sasakyan. I have no idea na meron ka pang ibang extra talent." Ani Spade na kinailing nito. Agad itong naglakad ng makita niya ang pakay.

2:00-45:89

Napailing ito ng makita niyang mahigit dalawang oras na lang ay sasabog na ang bomba. Pero kampanti lang ito. Wala kang mababakas na takot sa mukha nito.

"Are you sure sa gagawin mo Ramerez?" Paniniguro ulit dito ni Spade. "Shut up, f*ckers." Sagot nito.

"Natatakot lang kami para sayo. Tandaan mong mahal ang ataol Ramerez." Segunda naman dito ni Renan.

"Takot sa akin si kamatayan Trinidad. Kaya calm down. Hindi kayo mamawalan ng gwapong kagaya ko. Minsan na akong pinagtangkaan patayin. But I'm still alive." Anitong hindi mo alam kung seryoso ba o nagbibiro lang. Pero, tama ito minsan ng meron gustong pumatay dito. Kaya pinalabas nilang patay na siya habang hindi nahuhuli ang mga taong gusto siyang mawala sa mundong ibabaw.

Agad itong meron dinukot sa bulsa niya bago lumuhod kung saan ang bomba. Nakamata lang dito si Spade at Renan. Agad nitong hinawakan ang tatlong kulay na nakakabit sa bomba. Bahagya niya itong sinipat at pinag-aralan bago niya inihanda ang dalang cutter. Ng simulan nitong putulin ang isang wire ay agad inilagay ni Spade ang dalawa niyang kamay sa likod at pinagcross ito.

Tila wala naman katakot-takot ang taong tinitingnan nila. Tuloy-tuloy ito sa pagputol ng wire hanggang sa ang panghuling wire ang pinuputol nito. Kasabay nito ang tila hindi na sila humingang lahat na naroon.

00:00-00:00

Agad na tumigil ang pag-ikot ng timer matapus maputol ang tatlong wire na nakakabit dito. Saka naman nakahinga ng maluwag sina Spade at Renan maging ang mga kasama nilang naroon.

"Kapag nahuli niyo ang taong naglagay ng pangbatang bomba na yan ay tawagan niyo ako. At ako mismo ang magkakabit ng bomb sa balls niya." Anito sa kanila.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now