Chapter 27

19.7K 670 45
                                    

Warning:Rated SPG---patnubay ng inyong bulsa ay kailangan. Masarap magpasarap ngunit mahirap magutom😂😂😂Sa mga inosente dyan, pumikit kayo dahil nakabukas ang bunganga ng arenola.
.
.
.
NANG maipasok sa loob ng silda si Raissa ay nakaramdam siya ng takot sa klase ng tingin ng mga taong makakasama niya. Lihim na lang siyang nagdasal na sana ay walang gawin ang mga ito sa kanya na hindi maganda.

"Hoy! Wag niyo takutin yan kung ayaw niyong paglamayan bukas." Banta ng kinakatakutan nilang tao sa loob ng silda. Kaya natahimik silang lahat. "Wag kang mag-alala at ligtas ka dito." Anito kay Raissa. Nakahinga naman siya ng maluwag after niyang marinig ang tinuran nito.

"Salamat." Tipid niyang pasalamat niya dito. Napanatag man ang loob niya ay naisip naman niya si Carding kung okay lang kaya ito. "Sana okay ka lang din." Anito sa isip.

"Anong kaso mo?" Pabulong na tanong ng babaeng katabi ni Raissa sa kanya. "H-huh?" Gulat naman siya sa tanong nito sa kanya.

"Hindi mo kailangan sagutin ang tanong niya." Saad naman dito ng babaeng hindi man lang niya kilala or alam ang pangalan. "Tinatanong lang naman." Nakasimangot na anang babaeng nagtabong kay Raissa.

"Wag kang maupo dyan dahil kama ko yan." Mataray na anang babae kay Raissa na tila kalalabas lang nito mula sa loob ng banyo. "Mamili ka, lumipat sa kamang nandoon o dyan kita papatulugin sa sahig." Pananakot ng babaeng kanina pa sinusupalpal ang mga kasama mula ng dumating si Raissa doon.

"Eh! Kama ko yan e." Giit ng babae. At dahil ayaw ni Raissa ng gulo ay agad siyang tumayo mula dito. "I'm sorry." Saad niya dito sabay hakbang niya ng mga paa para pumunta sa kamang ituro ng babaeng nagtatanggol sa kanya.

"Raissa, stay here. Inihabilin ka nila sa akin dito. Kaya ako ang masusunod habang nandito ka sa loob. Sinabi nilang hindi ka naman magtatagal dito. Kaya magstay ka sa tabi ng kama ko. At kayo, baka gusto niyong patulugin ko sa loob ng CR." Anito sa mga kasama.

Maya't maya lang ay may biglang dumating na polis. Meron itong dalang maliit na bag at tila pagkain.

"Lidia." Tawag nito sa babaeng kanina pa nagtatanggol sa kanya. "Yes! Boss?" Anito.

"Pakibigay kay Miss Dela Piña." Anito. Agad naman itong tinanggap ni Lidia. Matapus itong abutin ni Lidia ay agad niyang ibinigay kay Raissa. Mukhang kunting gamit niya ang laman ng bag.

Ng makita niya ang pagkain ay agad niyang inilapag ito sa mesa. "Um. Halika kayo ng makakain tayo." Aya niya sa mga ito. "Wag na, para sayo ang pagkain na yan." Ani Lidia sa kanya.

"Marami naman ito. Hindi ko kayang ubusin." Anito. Kaya naman agad silang umupo kung saan ang pabilog nilang mesa sa loob ng kanilang silda. "Sa tagal ko dito sa loob ng kulungan ay ngayon lang ako nakakain ng matinong pagkain." Saad ng isa sa mga kasama ni Raissa. Napangiti naman si Raissa dahil sa tinuran nito sa kanila.

Nakakulong man si Raissa ay nagpapasalamat parin siya at hindi naging mahirap sa kanya ang pagpasok niya sa loob. Maybe ay tama nga ang tinuran nila sa kanila ni Carding na sinisigurado nilang magiging maayos sila habang nasa loob sila ng kulungan. Sinisigurado nilang walang mangyayari sa kanilang masama habang nakakulong sila.

SAMANTALA ng magsialisan ang mga kaibigan ni Ace ay tila nakahinga siya ng maluwag. Parang wala na kasing balak magsiuwian ang mga ito. Hindi naman niya masabihan ang mga ito na magsiuwian na sila. Dahil tiyak na uulanin siya ng buksa ng mga ito.

"Anong sinisimangot mo, Mister?" Ang natatawang tanong ni Mirah sa nobya pagkalabas niya ng banyo. "Nothing baby. Ang mga siraulo ko kasing mga kaibigan. Parang walang mga bahay kung mangapitbahay. Ako nga kung nangangapitbahay e umuuwi rin agad." Anitong kinatawa lalo ni Mirah.

Babysitting The Brat(Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن