Chapter 3

24.5K 725 21
                                    

KINABUKASAN ay masakit ang mga mata ni Mirah na bumangon sa kanyang kama. Siguro ay dahil sa pag-iyak nito kaya nanakit parin ang mga mata niya. Agad siyang pumasok ng banyo at naghilamus ng mukha. Matapus niyang tuyuin ang basang mukha gamit ang towel ay agad niyang ipinusod ang may kahabaan rin niyang buhok.

Dahil nakaramdam siya ng gutom ay agad siyang lumabas ng kanyang silid. Sa pag-aakalang nakaalis na ng bahay si Ace ay tuloy-tuloy siyang pumunta ng kusina. Ngunit nagkamali siya. Dahil inabutan niya ito doon.

Agad napansin ni Mirah na naghahanda ng agahan si Ace. Kaya tahimik siyang kumuha ng baso at nagsalin ng fresh milk bago lumabas ng kusina. Sa halip na bumalik siya ng kanyang silid ay nagpasya na lang siyang lumabas ng bahay. Bigla naman siyang nagulat ng makita niyang meron nagkalat na unipormadong kalalakihan sa labas ng bahat nila Ace.

"Sino kayo at anong ginagawa niyo dito?" Taka niyang tanong sa mga ito. "Pinadala po kami dito para magbantay dito 24/7. At meron din kaming ikinabit na CCTV sa paligid for safety." Sagot ng mga itong kinalaglag ng balikat niya. Paano siya lalabas nito kung meron bantay sa bahay ni Ace at CCTV. Mukhang wala talagang plano si Ace na sundin ang gusto niyang mangyari. Bakit pa siya magtataka e napakabossy naman nun pagdating sa kanya. Ni hindi nga nun alam kung paano siya pagaanin kahit kunti lang. Kaya bigla siyang natawa ng mapakla sabay talikod nito at bumalik sa loob ng bahay.

"Wag kana kasi umasa pa. Eh! sa manhid ang kasama mo sa bahay. Never ka nun maiintindihan." Anito sa isip at tuloy-tuloy na umakyat pabalik sa kwarto niya. At ang kaninang baso na nilagyan niya ng fresh milk ay iniwan niya ito sa may sala na halos di ma lang nangalahati ang naiinom niya rito. Ng marating niya ang silid ay muli niya itong inilock. Ayaw niyang makita at makausap ang binata dahil naiinis siya dito.

Pabagsak na muling nahiga sa kama si Mirah at nagbabadya na namang pumatak ang butil ng luha sa kanyang mga mata ng maalala ang magulang. Bigla nito naalala ang huling pagkakataon na nakasama niya ang ama't ina. Nagsisi tuloy siya at hindi nagpumilit na sumama sa mga ito. Dahil kung nagpumilit siyang sumama sa magulang ay sana nakasama na siya ng mga ito kung nasaan man sila ngayon naroroon.

****flashbacks***

"Mom! Dad! Saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Mirah sa magulang ng makita niya ang mga ito. "Oh! Hi Princess. Meron business meeting ang daddy mo sa Tagaytay kaya sasamahan ko siya." Nakangiting sagot ng kanyang ina.

"Dad! Pwede ba akong sumama rin sa inyo?" Malambing nitong tanong sa ama. Napangiti naman itong tinapik ang tabing upoan na agad nakuha ni Mirah. Agad siyang tumabi sa kinauupoan ng ama. "Next time kana sumama Princess. Dahil alam kung hindi mo maeenjoy ang pagsama sa amin ng mommy mo. Kinabukasan ay uuwi rin kasi kami." Sagot ng kanyang ama na bahagyang hinawi ang buhok niya.

"I love you, Dad." Anito sa ama sabay yakap niya dito. Hindi alam ni Mirah kung bakit tila mabigat sa dibdib niya ang pag-alis ng mga ito. Parang may nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag kung ano. "I love you, too. Always take care of your self baby. Lagi kang mag-iingat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama mo kami ng mommy mo." Habilin ng kanyang ama at mabilis naman siyang tumango.

"Tinawagan ko ang ninang mo anak. Ipapasundo ka niya dito at doon ka daw muna sa bahay nila kasama niya habang wala kami dito ngayon ng daddy mo." Anang kanyang ina.

"Mom sa bahay nila ninang Alice?" Paniniguro nito. Agad naman tumango ang ina na kinatulis ng nguso niya. "Ayaw ko dun Mom. Lagi naman busy si Ninang sa work niya. At laging wala sa bahay si Spade dahil busy siya sa pagstalk ng babaeng gusto niya. Ang madalas lang sa bahay ay ang manhid na si Ace." Nakasimangot nitong aniya na kinatawa ng ina.

"Speaking of Ace ay siya ang susundo sayo dito." Saad ng ina na kinalaglag ng balikat ni Mirah. Kung pwede nga lang hindian niya ito ay ginawa na niya. Ayaw na ayaw niyang nalalapit kay Ace. Dahil niluluko siya ng puso niya. At ayaw niyang lumalim ang nararamdaman dahil alam niyang walang patutunguhan ang lahat.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now