Chapter 11

20.8K 706 56
                                    

Rated SPG
.
.
.
HABANG nakayakap si Mirah kay Ace parang ayaw na niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya akalaing mangyayari ang hinihiling na niyang matagal ang mapansin rin siya ng binata. Masaya siyang kasama ito ngayon. At kung ano man ang mangyayari bukas ay saka na niya iisipin.

"Baby, wake up." Malambing na tawag nito sa kanya. "Hmm-mp!" Tangi nitong sagot.

"Baby, kapag hindi ka gumising niyan wala ka nang itutulog pa mamaya." Ang natatawa namang ani Ace. Kaya papungas-pungas itong nagmulat ng mga mata at tiningala niya ang binata. Nakangiti naman itong agad siyang dinampian ng halik sa labi. Kaya agad nahimasmasan si Mirah.

"Hey! Bakit ka nanghahalik? Baka meron akong tuyong laway niyan ito." Sabay turo niya ng mga labi. Hindi naman ito pinansin ni Ace kundi muli niya itong hinalikan. Wala naman kasi nagbago dito. Nanatili na atah ang mapupula nitong mga labi tulog man siya o gising.

Ng lumapat muli ang labi ni Ace sa mga labi ni Mirah ay wala itong nagawa kundi ang tugunin. Ilang minuto rin na magkahinang ang kanilang mga labi bago ito naghiwalay.

"Baby, you need to get up. Dahil meron tayong dinner date." Saad dito ni Ace. Agad naman pinikit-pikit ni Mirah ang mga mata. Kung tama ba ang narinig niya o dinadaya lang siya ng kanyang pandinig. Kaya naman natawa dito si Ace.

"Ouch!"

Daing nito ng pitikin ni Ace ng mahina ang noo niya.

"You said dinner date right?" Paniniguro nito. Agad naman tumango si Ace na nangingiti. Dahil sa naging sagot ni Ace ay agad itong pinaghahalikan ni Mirah sa buong mukha hanggang sa leeg nito. "Magbibihis lang ako." Saad nito kay Ace sabay bangon niya mula sa kama at naghanap ng maari niyang isuot.

Naiiling na lang si Ace na nakamata dito. "Baby, magsuot ka ng simple lang. Dahil maganda kana." Saad niya dito. Napangiti naman si Mirah sa tinuran ni Ace.

Isang simple dress nga lang ang napiling isuot ni Mirah. Ayun na rin sa gusto ni Ace na isuot niya. Hindi narin siya nag-abala pang maglagay ng kung ano-ano pa sa mukha niya. Sinuklay lang niya ang may kahabaan rin niyang buhok bago niya binalingan si Ace naaging ito ay hindi na nag-abala pang magbihis.

->Thank you fucker because of you I win. Kaya ang dinner date mo ay ready na, Laurel. And all of that is free.->

Basa niya sa message ni Mark sa kanya ng tumunog ang tawagan niya.

"Ano ba ang pinagsasabi ng gago na yun?" Kunot ang noo niyang tanong sa sarili bago niya inakay palabas ng silid si Mirah.

"Sir, para po sa inyo. And Ma'am para naman po ito sa inyo." Anang kasambahay nilang sumalubong sa kanila. Isang note ang inabot nito kay Ace at isang bouquet of red roses naman ang ibinigay niya kay Mirah.

THE TABLE IS NEAR THE SWIMMING POOL

Basa ni Ace sa note na inabot sa kanya ng kasambahay nila. Kaya agad niyang inakay si Mirah papunta sa likod bahay kung saan ang swimming pool.

"Wow! Sinong naghanda nito?" Tanong agad ng manghang si Mirah sa binata ng marating nila ang likod ng bahay kung saan nakahanda ang dinner date nila. "Si Villagas ang pinakiusapan kung gumawa nito." Kakamot-kamot nitong sagot. Agad naman yumapos dito si Mirah.

"Sana magustuhan mo kahit hindi ako nag-effort maghanda nito." Matapat nitong aniya. "It's fine. Kahit na hindi ikaw ang gumawa nito pero ikaw naman ang nagpahanda kaya thank you." Anito sabay halik niya sa pisngi ni Ace.

Dahil sa tinuran ni Mirah ay nakangiti naman itong ipinaghila ni Ace ng upoan. "Thank you." Ani Mirah bago siya naupo.

Ng simulan nilang kainin ang nakahaing sa harapan nila ay kapwa tahimik lang ang dalawa. Tila nagpapakiramdaman silang dalawa kung sino ang unang magsasalita.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now