Chapter 15

19.6K 700 53
                                    

DAHIL hindi agad nakasagot si Mirah sa tanong ni Ace ay agad itong tumayo bitbit ang isang bote ng beer. Sinundan naman ito ng mga kaibigan niyang nagtataka sa kanilang dalawa ni Mirah. Tanging si Spade at Jeb ang hindi nakisali sa mga ito. Dahil si Spade ay alam niyang mahal ni Mirah si Ace. At si Jeb naman ay nababasa nito ang nararamdaman ng dalawa sa isa't isa. Kaya nagkatawanan na lang sila ni Spade.

Tila wala sa sariling isip na pumasok sa loob ng bahay nila Axel si Mirah na ipinagtaka ni Jasmine at Ellah. "Hey! Anong nangyari sayo?" Tanong dito ni Ellah sabay pinaupo nila ito sa couch ni Jasmine.

"Huh?"

Tila gulat naman ito at napakurap-kurap ng tingin sa dalawa.

"Tinatanong kita kung ano ang nangyari sayo? Okay ka lang ba? Bigla ka kasing nawalan ng imik. Para kang tinuklaw ng ahas sa labas." Ani Ellah sa kanya.

"H-he asked me," anito sabay turo ng walang deriction ang kamay. Basta tinuro lang nito ang labas. "Mahal ko rin ba daw siya." Saad pa nitong kinangiti naman nila Jasmine at Ellah.

"Oh! Tapus anong sinagot mo?" Tila excited ang dalawang marinig ang naging sagot ni Mirah. "Nagulat ako e. Kaya hindi ako nakasagot. Tapus biglang umalis si Ace. Hindi agad ako nakahuma e." Sagot nito. Natampal naman ni Jasmine ang noo.

"Baka nasaktan yun. Siguro iniisip nun ay hindi mo siya mahal." Ani Jasmine sa kanya. "Ibig ba sabihin ay mahal rin niya ako?" Paniniguro nito mula sa dalawang sabay na tumango. Kaya mabilis siyang tumayo.

"Go. Tell him. Sabihin mong mahal mo rin siya." Utos sa kanya ni Jasmine at Ellah na nakangiti. Kaya sunod-sunod siyang tumango bago lumabas. Muli siyang pumunta sa likod bahay nila Axel kung saan nag-inuman ang magkakaibigan.

Ang mga boys naman ay sinundan nila si Ace na sa bahay naman ni Alex pumunta. "Ipapasalvage ko talaga ang Kapre na yun. Makikita niya. I will kill him with my two hands." Galit nitong aniya.

"Bro, calm dowm. Baka nagulat lang siya kaya hindi agad nakasagot." Turan sa kanya ni JB na tinapik-tapik pa ang balikat niya. Kaya agad niyang ininom ang laman ng beer na hawak.

"Ehmm!"

Panabay naman ang mga itong napalingon sa taong tumikim sa likod nila. "Oh! Kanina ka pa ba dyan Mirah?" Si Blake na siyang unang nakahuma sa kanilang lahat. Agad naman umiling ito bilang sagot.

"Can I talk to him?" Tanong niya sa mga ito. Agad naman nagsitayuan ang mga ito. Bahagya nilang tinapik ang balikat ni Ace bago nila ito iniwan.

"Ace!"

Tawag nito sa binata. Ngunit hindi ito umimik.

"Ace. Galit ka ba sa akin?" Tanong nito sa binata. "Sino si Kapre sa buhay mo?" Sa halip na sagutin ang tanong ni Mirah sa kanya ay tagtanong rin ito sa dalaga. Hindi naman alam ni Mirah kung matatawa ba siya sa binata o maaawa dito.

"Nagseselos ka kay Kapre?" Pigil tawang tanong ni Mirah sa binata. "W-what do you think. I swear if I saw him I will kick his damn ass." Saad nitong kinatawa na ni Mirah.

Natatawa itong sinapo niya ang mukha ni Ace. "Baliw ka talaga. Wag kana magselos dahil nag-iisa lang ang kapre sa buhay ko. At ikaw yun. Ikaw ang nag-iisang kapre ko." Anito sa binata na napaangat ng mukha.

"Are you kidding me?" Hindi ito naniniwala sa tinuran ni Mirah. Agad namang umiling si Mirah. "Mahal mo rin ba ako?" Tanong na naman nito kay Mirah. Hindi alam ni Mirah kung matatawa ba siya o hindi. Paano ba naman nauna ang ganung tanong ni hindi pa nga ito umamin kung mahal ba siya nito.

"Mahal mo ba ako?" Tanong rin ni Mirah dito. "Hindi ba halata." Sagot nito sabay tingin sa kawalan na kinangiti ni Mirah.

"Uwi na tayo." Saad dito ni Mirah na kinalaglag ng balikat ni Ace. Oo, lasing nga siya pero malinaw naman ang pag-iisip niya. Nagiging madaldal lang siya kung lasing. Pero matino mong makakausap. Mahahalata mo lang na lasing ito dahil namumula ang buong mukha niya. Ng makita naman ni Mirah ang reaction ni Ace ay lihim siyang natawa.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now