Chapter 29

19.9K 664 95
                                    

LUMIPAS ang araw, linggo at buwan mula ng magproposed si Ace kay Mirah. At sa mga araw na dumaan ay napapadalas rin ang pagkahilo ni Mirah ngunit hindi niya ito sinasabi sa nobyo dahil ayaw niya itong mag-alala sa kanya.

Tuluyan na rin nakalaya si Raissa at Carding sa kulungan. Dahil wala namang kasong naisampa sa kanila. Ngunit si Rizza ay nahatulan ito ng panghabang buhay na pagkakabilanggo. Dahil sa patong-patong na kasong naisampa rito. Natuklasan rin kasi ng mga kapolisan na ang ama ng naging anak ni Raissa ay pinirahan ito ni Rizza bago niya ipinapatay. At dahil sa matibay na ibedinsyang inihaing ng mga autoridad sa hukuman ay agad siyang nahatulan.

"Hoy! Anong nangyayari sayo?" Biglang pinitik ni Joan ang noo ni Mirah ng mapansin niya itong ang lalim ng iniisip niya. Bigla naman siyang napasimangot dahil sa inasta ng kaibigan niya.

"Epal ka talaga minsan. Nag-iisip ako dito e." Anitong nakapuot. "Ano naman ang iniisip mo?" Curious namang tanong sa kanya ni Gemalyn.

"Um. I'm thinking of something---" bahagya nitong binitin ang sasabihin sa ere. ---about what?" Sansala sa kanya ni Gemalyn.

"Um. A-ano---

---oh! My God. Don't tell me na buntis ka?" Putol ni Joan sa sasabihin sana ni Mirah. Nakagat naman niya ang kuku ng hintuturi niya dahil sa naging tanong ni Joan sa kanya. "Umamin ka. Yun ang iniisip ano?" Tudyo ni Joan sa kanya.

"Yeah! Magsabi ka ng totoo. Dahil alam kung araw gabi ay nagsisipag si Ace na magtanim. Si Andrie nga e walang kapaguran. Kaya I'm sure ganun rin ang ginagawa ng jowa mo. Dahil iisa lang ang liko ng mga bituka nila." Saad naman ni Gemalyn.

"Girls. Hindi rin magpapatalo sa mga jowa niyo ang jowa ko. Ang sipag rin niya kaya magtanim." May pagmamalaking ani Joan. Kaya napailing na lang siya.

"Kung sapakin ko kaya kayo. Hindi pa nga ako sure e." Nakalabi nitong turan sa dalawa. Agad naman nila natampal ang noo. "Bakit di mo agad sinabi. Meron akong pregnancy test sa room." Ani Gemalyn.

"Paano ko naman sasabihin? Nagsisimula pa nga lang ako magsalita e sumasabat na kayo." Nagdudumilat nitong aniya na kinatawa ng dalawa niyang kaibigan. "Sorry naman." Si Joan na agad nagpeace sign sa kanya.

Agad silang dinala ni Gemalyn sa ikalawang palapag ng bahay ni Andrie. Pinapasok niya sa guest room si Mirah kasama si Joan bago siya pumasok sa kwarto nila ng nobyo. Agad niyang hinanap ang tinago niyang pregnancy test bago siya bumalik sa silid kung nasaan naghihintay sina Mirah sa kanya.

"Here. Pumasok ka sa banyo at patakan mo ng ihi mo." Utos ni Gemalyn kay Mirah. Kinakabahan naman siyang tumalima sa utos ng kaibigan niya. Agad nga siyang pumasok sa loob ng banyo at sinunod ang utos sa kanya ni Gemalyn.

Matapus niyang patakan ang ihi niya ang pregnancy test ay agad niya itong inilapag. Naglinis muna siya bago lumabas ng banyo dala ang pregnacy test.

"Ano?"

Excited na tanong ni Joan sa kanya. Kinakabahan naman niyang ipinakita ang hawak na pregnancy test sa dalawa.

"Oh! My God." Panabay na tili nila Joan at Gemalyn. At dahil bahagyang nakaawang pinto sa labas ay bigla iyon bumukas.

"What happend?" Tila kinakabahang tanong sa kanila ni Andrie. "Hey! Hubby. Wala naman." Nakangiting ani Gemalyn na agad niyang nilapitan si Andrie.

"Are you sure?" Paniniguro nito. Panabay naman ang tatlong tumango. "Okay! Nasa baba nga pala si Laurel at Samonte. Sinusundo kayong dalawa." Imporma nito kay Joan at Mirah.

"Okay! Thanks Andrie." Si Joan na may panunudyong tingin kay Mirah. Nagbabanta naman itong ibinulsa niya agad ang hawak na pregnancy test. Panabay silang lumabas ni Joan sa silid at iniwan nila si Andrie at Gemalyn.

Babysitting The Brat(Completed)Where stories live. Discover now