Chapter 10

22.2K 735 38
                                    

NANG makauwi si Spade sa bahay ng kapatid ay pabagsak itong napaupo sa couch. Ng makita ito ni Ace at Mirah ay agad naman nila itong nilapitan. Agad na naupo sina Ace at Mirah paharap sa kinauupoan ni Spade. Sapo nito ang mukha na tila problemado sa buhay.

"Hunky Spade?"

Tila gulat naman itong napaangat ng mukha.

"Huh!"

"Are you okay?" Kunot ang noo ditong tanong ni Mirah. "I'm sorry." Anitong mas lalong ipinagtaka ni Mirah at Ace.

"Sorry for what?" Naguguluhan nitong tanong. "Sorry dahil natakasan kami ni Raissa. Hindi namin siya nahuli tanging mga taohan niya ang nahuli namin." Napabuntog hininga nitong sagot.

Napangiti naman si Mirah matapus niya marinig ang naging sagot ni Spade. "It's okay." Mabilis nitong saad kay Spade na mukhang hindi makapaniwala sa narinig. "Okay lang kung hindi niyo siya nahuli sa ngayon. Dahil alam kung darating rin ang araw na mapuputulan siya ng sungay. Darating rin ang araw na wala na siyang mapagtataguan pa. Sa ngayon ay magtago muna siya, galingan niya ang pagtatago. Pero, once na nagutom iyon ay lalabas at lalabas parin. Ika nga sa daga e kung nagugutom iyan ay lumalabas sa lungga niya para maghanap ng makakain." Anito kay Spade sabay akbay niya kay Ace at kinindatan ito. Kaya napangiti na lang si Ace.

"Wag kang mag-alala sa akin. Dahil alam kung hindi niyo naman ako hahayaang kantihin ni Raissa. At alam kung lagi kayong nandyan for me. Kaya hindi ako natatakot sa kanya. Pinanghahawakan ko ang sinabi ni Ace na kahit dulo ng buhok ko ay hindi mahahawakan ni Raissa." Anito sa magkapatid. Kaya agad na hinapit ni Ace sa baywang si Mirah dahilan para mapausog ito sa kanya lalo.

"Thank you sa pagtitiwala mo sa amin, baby." Ani Ace sabay hawi niya sa ilang hibla ng buhok na tumaning sa mukha ni Mirah. "Dahil karapat dapat naman kayong pagkatiwalaan. At kapag natapus ang problema kung ito. Kahit na anong request niyo sa akin basta kaya ko ay ibibigay ko sa inyo." Saad nitong kinatawa ni Spade.

"Okay! Kung ganun ay maiwan ko na muna kayo. At magpapahinga lang ako." Paalam ni Spade sa kanila. Pagkaalis ni Spade ay agad na kinabig ni Ace si Mirah na agad naman siyang pinandilatan. "What?" Painosente nitong tanong sa dalaga.

"Wag kang maglandi dahil hindi lang tayo ang tao sa bahay." Sagot niya dito. "Bakit hindi ko ba pweding lambingin ang girlfriend, fiance and soon to be my wife?" Pilyo nitong tanong.

"Hoy! Hindi ka nga pa kaya nanliligaw dyan tapus kung makagirlfriend ka akala mo naman sinagot na kita." Nakapuot nitong saad na tinawanan lang ni Ace.

"Kailangan pa ba yun? Doon naman tayo papunta." Anitong kinaikot ng mata ni Mirah. "Ang sabihin mo, hindi marunong manligaw ang matinik na agent." Saad dito ni Mirah na kinakamot ni Ace. Tila nahihiya ito na ewan.

"Baby, naman. Aanhin mo ang manliligaw kung manluluko naman. Kaya doon kana lang sa taong hindi uso sa kanya ang ligawan pero pangmatagalan." Giit nitong kinasimangot ni Mirah.

"Pasalamat ka talaga at gwapo't meron kang abs. Kundi iinatin ko yang betlog mo." Ani Mirah sa isip. "Ewan ko sayo." Naisatinig na lang nito. Kaya biglang napakamot si Ace. Mukhang kailangan niya ng emergency back-up sa mga kaibigan niya kung paano manligaw.

SAMANTALA katatapus lang mananghalian ng lolo ni Mirah kasama ang asawa nitong ina ni Raissa ng dumating ang mga taong hindi nila kilala. Kaya kuno't noo nila itong sinalubong.

"Sino kayo?" Takang tanong sa mga ito ng ina ni Raissa.

"Magandang tanghali po. Nandito po kami para tingnan itong bahay. Ibininta na po kasi ito ng may-ari sa banko." Paliwanag ng isa sa mga ito.

"Nagpapatawa ba kayo e bahay ito ng asawa ko," anito sabay baling niya sa asawa na tahimik lang. "Franco, sabihin mo sa kanilang bahay mo ito." Utos nito sa asawang umiling lang.

Babysitting The Brat(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon