4:last night?

850 20 0
                                    

Darren's pov

Nang makarating na kami dito sa bahay ni Nadia, kinuha kona ang gamit ko sa itaas. Isa isa kasing ihahatid lahat ng istudyante para makasiguro na uuwi nga ang mga ito. Pagtingin ko Kay Nadia, nakatungo na sya sa balikat ni ace, tulog din si ace kaya wala syang alam o nararamdaman. Hinampas ko si Nadia para magising at para pag gising nya di nya makita na nkatungo na pala sya Kay ace.

"Hoy sez! Gising na dito na bahay mo" gising ko at nagising nama sya. At tinanggal nya ang earphone at shades nya.
"Kinuha ko na ang maleta mo, Tara na"

Atsaka na sya tumayo at nakaalis naman syang hindi pinapatid ni ace. Tama nga sila tsaka lang ito mabait kapag tulog.

"Bye! " paalam ng mga kaklase ko. Paglagpas ng bus. Humagip sa Mata ko si ace. Tinangal nya ang shades nya at kumindat Sakin.

Ha? Hindi sya tulog? Ano yon? Wala lang sa kanya ang pagtungo ni Nadia sa balikat nya? Ano yon? Ginusto nya yon? Naguguluhan ako.

"Be Tara na" antok pa na sabi ni Nadia. Meron bang alitan si Nadia at ace nang hind ko alam?

Si Nadia ang bestfriend ko, 1yr pa lang kaming magkaibigan, pero may tiwala na kami sa isat isa, walang sikreto o ano man. Kapag may problema naman kami nagdadamayan naman kami, pero alam kong meron ako di alam. Bakit ayaw nyang sabihin sakin? E kaibigan nya naman ako? Stupid idea!

Nang makarating na kami dito sa bahay, umupo agad ako sa sofa sa sobrang pagod. Dito na kami nakatira parehas ni Nadia, after 3months. Malaki itong bahay, kalahati ng mansion. Parehas kaming mayaman ni Nadia. Pero mas malaki ang inambag nya. Dahil sila ang may Ari ng lupa na ito. At yung papapatayo naman ay tig-kalahati kami. Kapatid na ang Turing namin sa isat isa.

"Be" tawag ko, nasa kusina kasi sya, kaya lumapit ako. Para itanong iyon. Sasabihin nya naman iyon e. Bakat pa sa mga Mata nya ang antok. Bakit nga pala sya antok na antok? Wala ba syang tulog kagabi? Ano yon? Di sya natulog makahanap lang ng signal? Sheez!

"What? " sabi nya, at binuksan nya ang ref, para maghanap ng pagkain. sumandal naman ako sa likod ng lababo.

"May sikreto ka ba sakin? " napatigil sya ng itanong ko yon. Tama ako, meron nga.

"Haha! Baliw ka ba? " taray nya sakin pag harap. Atsaka sya pumunta ng sofa at dinala yung salad. Tsaka binuksan yung TV at tinaas nya ang paa nya sa lamesa. Sinundan ko sya at tumabi sa tabi nya.

"Meron? "

Napatingin sya sakin.

"Be, sabihin mo na. Atsaka bat ayaw mong sabihin? Magkaibigan naman tayo a? " sabi ko. Kinuha ko ang salad at remote para patayin yung TV. Atsaka ko inayos ang upo nya.
"Tell me? "

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now