19:the girl in the past

583 12 0
                                    

Darren's pov

Nandito ako ngayon sa bahay, malamang ako na lang ang magisa. Buti nalang nandito si Kurt, dumalaw. Ewan ko dito?

"Anong gusto mo? Juice or coffee? " I ask.

"Juice na lang" ani nya, may dala pa syang bulaklak ng dumalaw sya dito. At ngayon busy sa kakatingin sa bahay namin ni nadia.

*ding dong*

"Yaya! Pabukas! " sigaw ko. Habang nagtitimpla ng juice, naglalaba kasi si manang, kaya ako na nagtimpla ng juice para Kay Kurt.

"Ako na lang Darren" ani ni Kurt. Hanggang sa narinig ko ang boses ni nadia. Kaya napatakbo ako sa sala.

"Beeeeee! " sabay kaming sumigaw at nagyakapan, sobrang namiss ko agad tong bestfriend ko kahit kahapon lang ang kasal nila.

"Kamusta ka dito? " nadia's said.

"I'm really okay here. Buti na nga lang ay pumunta si Kurt. Sobrang bored e! " sabi ko, at kinuha ang juice na para Kay Kurt, at inilagay ko yun sa lamesa.

"O? Kurt. Nandito ka pala" masyang sabi ni nadia, at umupo sa sofa.

"Hmm.. Nalaman ko lang kasing magisa lang pala dito ngayon si Darren" ani ni Kurt. Grabe! Nalaman nya lang na magisa lang ako dito pumunta na sya? Hehe

"Ah, Kurt. May naaalala ka ba kagabi na sinabi mo sakin? Lasing na lasing ka kasi nun, baka kasi di mo naalala" simula ni nadia ng umupo sila. Ano yun? Di kasi ako sumama kagabi, kase tumatawag yung mga magulang ni nadia kagabi, baka pagsinabing wala kami dito, anong isasagot namin?

Nadia's pov

"Ah, Kurt. May naaalala ka ba kagabi na sinabi mo sakin? Lasing na lasing ka kasi nun, baka kasi di mo naalala" tanong ko. Gusto kong malaman ang sagot kung bakit nya iyon natanong sakin.

"Naaalala ko. Di naman ako katulad ni ace" seryoso ang muka nya. Nihindi kami magkasundo ng maayos ni ace dahil sa letcheng babae na yan!

"E-edi.. Maganda" sabi ko, gusto kong mapaluha dahil pumapasok nanaman sa utak ko yung nakita ko kagabi.

"Ibig sabihin totoo ang sinabi ko? " ani Kurt. Namumuo na ang luha sa Mata ko kaya pasimple ko itong tinago.
"Nadia, are you crying? "

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now