62: finally I meet him

386 7 0
                                    

oo gusto ko sya, gusto ko si Paul, pero hindi ko sya mahal. Ayokong ipagpilitan lalo Nat may anak at asawa ako, kasal pa kami. Ayokong masaktan si paul, ayokong maranasan nya uli yung naranasan nya nuon sa ex nya. Pero hindi ako katulad ng ex nya, dahil mas pipiliin ko na lang na huwag mahalin si paul para hindi masaktan, nakakahiya sa pamilya nya dahil magmamahal sya ng may anak, at may sabit. Pamilya nya rin ang iniisip ko, baka San kami pulutin kapag nagkataon.

"Hayaan mo lang akong gawin ang mga bagay na to sayo, dahil alam ko na masasagot mo din ang tanong ko, hindi man sa ngayon" sabi nya habang nakayakap sakin. Ramdam ko ang luha nya, pilit syang ngumingiti kahit na nasasaktan na sya, nakikita ko ang sakripisyo na ginagawa nya sakin. Na kahit ang sakit sakit ipinaglalaban pa din, ang hirap.

"Simula ngayon nililigawan na kita ha? Kaya wag ka ng magpaligaw sa iba. Iloveyou lindse" humarap na sya sakin ng sabihin nya iyon. ang lamig ng boses nya. "Pagbalik ko Sana hindi mo ko makalimutan" then he kissed me on eyes. Pinikit ko yung Mata ko nun dahil alam Kong hahalikan nya ang Mata ko, Alam ko na ang ibig nyang sabihin kapag hinahalikan nya ang noo ko, ayaw nya akong nakikitang umiiyak at ayaw nyang umiiyak ako. Kilala ko na sya sa loob ng tatlong taon, sa kanya ko natutunan na wag umiyak sa walang kwentang bagay tulad ni ace na galit na galit sya, pero di ko pa rin maiwasang maisip si ace.

Paul's pov

alam Kong hindi pa iyon ang tamang araw at lugar para ipagtapat ko sa kanya. Pero hindi ko naman kasi kailangan ng tamang araw para masabi yun e, mapatunayan ko lang sa kanya na mahal ko na talaga sya.

Ewan ko kung bat halos maubos na yung luha ko sa kakaiyak dahil sa kanya. Iniisip ko lang kase na, baka kapag nagkita at nagkasama nanaman sila baka bumalik yung feelings nya at makalimutan na nya ko. At alam Kong mahal nya rin ako, ramdam ko iyon, pero alam ko ring hindi ako nakakasigurado dahil anjan pa si ace.

At alam ko rin na hindi pwede dahil may anak at asawa sya, na kasal. Pero bat ko iisipin yun kung mahal ko naman talaga sya? Ipaglalaban ko sya kahit mapunta pa kami sa hearing. Magtatawag ako ng lawyer para lang Kay lindse, at ipaglalaban ko sya, kahit na alam Kong wala akong Laban.

"Good evening sir" bati ng guard sakin pagpasok ng market. Bibili ako ng gatas para sa kambal, kahit binigyan na ni criselda si lindse para sa gatas. Gusto ko pa ding bumili na galing sakin, gaya ng sabi ko, papatunayan ko sa kanila ng kambal kung gano ko sila kamahal.

Tumango na lang ako.

"Gusto Kong bumili para sa kambal" nung makita ko yung sumuntok sakin dati narinig ko ang sinabi nya. May anak din pala syang kambal, di kasi halata sa itsura.

Hindi ko na lang pinansin, at nasa likod nya ko.

"E boss, kasama pa ba ni Nadia ang kambal? " natigilan ako, gusto Kong ipaulit yun sa lalaki pero gusto ko pang marinig kung si lindse nga ang tinutukoy nya, imposible.

"Alam Kong andito ang mga anak ko, alam Kong hindi nya hahayaan yun na mawala sa tabi nya" seryosong sabi nung tinatawag na boss.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now