57: starting apply

361 8 0
                                    

Nadia's pov

"Sabi nila ayan ang magandang kompanya dati, kaso nagtaka daw ang lahat nung nagbago pati daw yung may Ari" sabi ni Paul habang ako nakatitig lang sa building. Sayang naman ang ganda pa naman ng building at mukang bago pa, tapos magbabago lang ang lahat. "Hindi talaga Jan ang pinaka building nyan, sabi nga nila nag bago ang may Ari, nagbago din lahat ng meron sa kanya, sabi nila" ay kailangan ganun? Once na may magbago sayo pati mga konektado sayo magbago din? Grabe naman yun sino kaya yun? Sayang naman ang buildings.

"Ano bang work Jan? " habang tinititigan ko yung building. "Hindi naman mahirap tama? "

"Nope, ranks lang naman ang aasikasuhin mo Jan" sabi nya at napatingin kami sa isat isa, atsaka sya ngumiti. Kita ko sa mga ngiti nya ang suporta sakin.

Nagulat ako ng marinig ko yung ranks. Ranks? Di kaya Kay ace tong company? Pero alam ko ang itsura ng building na yun. Impossible din dahil, ranks ang meron silang 'Red Hand'.

"Ranks? Sino ba ang may Ari nyan? " tanong ko para makasigurado. Kung si ace lang din naman, hindi na siguro. Kahit sa ibang kumpanya na lang ako pumasok.

"Hindi ko kilala e, pero maganda Jan lindse kaya try lang ng try! " pagtingin ko sa kanya, ang laki ng ngiti nya suportang suporta talaga sya sakin lalo na sa nangyare sa buhay ko.

Pumasok na kami sa loob at sumakay ng elevetor.

"Kumpleto na yan lahat ibibigay mo na lang sa manager or president ng company" simula ni Paul habang nakasakay kami sa elevator. Tatlo kaming nakasakay, meron kaming kasamang isang lalaki nakashades kaya di ko masyado makita yung itsura, tsaka anong pake ko? Parang familiar kasi sya kapag naka side view. Nvrmnd.

Napatingin sakin yung lalaki, napaka familiar talaga ng itsura nya. Kaya napatingin na lang ako sa Mata nya kahit naka shades sya, nakikita ko pa naman yung Mata nya kahit papaano.

"Magaapply ka?" Bigla syang nagsalita kaya napatingin si Paul sa kanya. Tumango na lang ako at mukang naintindihan nya naman iyon. Sabay bukas ng elevator. "Goodluck" atsaka na sya umalis. Sa taas pa kami kaya naiwan kami dito sa loob ng elevator.

Nakaramdam ako ng kaba, bakit parang ang hirap naman ata ng trabaho dito? Sabi naman ni Paul madali, at mukang mainitin ang ulo ng president. Sabagay sa manager naman ako mag aapply kaya okay lang.

"Are you ready? " napatingin ako Kay Paul. Bakit ganyan sya? Ganyan ba talaga? Nakakakaba naman, e di ko naman kasi alam to e.

"Ha?.. Oo hehe" pagkukunwari ko, at mukang nahalata nya Kong kinakabahan kaya tumawa sya.

"It's okay, paglabas na paglabas mo Jan sa kwartong yan.. " bigla syang lumapit sakin at parang may ibubulong pa para sa susunod na sasabihin. "Magiging magaan na ang loob mo, masarap sa piling. Kaya dito lang ako at susuportahan ka" napangiti naman ako sa sinabi nya, parang nawala yung kaba ko nung sabihin iyon ni Paul. Sobrang bait nya talaga, laking utang din to saken hehe.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now