51:dinner

400 8 0
                                    

Nadia's pov

"Oh see? Masarap foods dito di ba? " pagmamayabang ni Paul. Gaya ng tanong nya kanina na hindi ko nasagot, umoo na lang ako. Atsaka madalas rin naman namin to ginagawa ni Paul. Ang magdinner tuwing Gabi. Minsan lang namin isama ang kambal, kaso nga lang tanghali namin sila nagagala dahil may playground pa atsaka nakakapag Ice cream kami, kase paborito yun ng kambal. Diba dun ako naglihi noon? Hehe

"E kung masarap lang naman pala ang hanap mo, bat di na lang sa restau ko? " taray ko. Nga naman kase di ba? Bat di na lang dun samantala noon lagi kami dun kumakain.

"Lindse, mas masarap pag ibat ibang restau ang tinitikman natin. At Malay mo makakuha tayo ng magandang lasa at madagdag natin dun sa mga kailangan natin sa pampalasa?" Ani nya. Habang kumakain. Sabagay tama sya pero masarap naman sa restau ko ha? Nagsasawa na ba sya?tsk.

"Okay sabi mo e" ani ko. Wala na rin naman akong magagawa dahil sya rin naman ang masusunod.

"Yown! Kaya sayo ko e haha! " masaya nitong sabi at hinimas ang ulo kong parang aso. Myghad! Yan ayoko e.

"Tsk! Chaka mo! Tigilan mo ko uyy di ako aso"

"Haha sorry muka ka kasing aso" he laugh.

"Ah kase ang cute ko? "

"No, kase muka ka talagang aso HAHAHA! " Tawa nya ng malakas. Napatigil ako sa pagkain ng sabihin nya iyon. At sobrang saya nya pa, dahil nakahawak ito sa tyan nya habang tuwang tuwa.

"Stop that Paul! Nakakahiya oh?"

"Ano? Haha, bat ka mahihiga? HAHAHA! " halaklak nya nanaman. Sobrang iniinis nya na talaga ako, hindi na ko natutuwa dahil pati ako napapahiya.

"Paul aalis ako pag di ka tumigil"

Mabilis syang umupo ng maayos at tuwid ang pagkakaupo nya, parang sundalo?

"Yes madam?" Ani nito. Tsk! Kala nya makukuha nya ko sa ganyan ganyan nya. Sanay na ko, sobra pa sa sobra, pwe!

"Aayos ka ba, hindi? " taas kong kilay, at seryosong nakatingin sa kanya. I know na titigil na sya dahil kilala nya ko kapag nagseryoso.

"Sorry na, di ka naman mabiro e" ani nito, at parang asong nagmamakaawa, habang nilalaro yung tinidor.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now