54:first meet

391 8 0
                                    

Paul's pov

Andito na ko sa grocery, at medyo madami na rin ang nakukuha Kong pagkain para saaming apat. Pati rin kasi ang kambal gusto ko kumain sila ng kumain, kaso ayaw ni mommy.

Diko namalayang may makakabangga na akong lalake sa sobrang pagiisip ko for the foods.

"Fuck! Ano ba! " sigaw nya agad. Parang galing syang office e, pagod ata kaya iintindihin ko na lang dahil nararanasan ko din naman yan.

"Sorry bro, di ko namalayan" ani ko. May itsura ang lalake, I mean gwapo sya malakas ang apil. Wala na ata akong masasabe dahil perfect guy sya. Pero ang ugali? Di natin alam.

"Di namalayan? Gago ka ba? Grocery to kuya hindi library" ani nya. Gusto ko mainis pero sabi ko nga I feel him, kaya wala akong magagawa kundi ang magsorry.

"Sorry talaga" ani ko. At nilagpasan na sya, may daladala kasi akong di gulong na stroller kasi nga madami ang bibilhin ko. Nang di ko nanaman namalayan na gugulong iyon sa paa nya.

"Fuckkkk! Bullshit! " he said. At ikinagulat ko ang biglang sapak nya. Kabobohan ko, naghahanap ata agad ako ng away dito sa pilipinas? Samantala kakabalik pa lang namin.
"Alam mo kung sino ka man, kung may galit ka then talk to me! Hindi ako manghuhula para hulaan man yang galit mo sakin! "

Pinunasan ko agad ang labi Kong may dugo. Pumutok ata labi ko.

Walang reaksyon muka ko.

"Boss! "

Hanggang sa may nagsi datingang lalaki.

"Ano nangyari! "

Tinignan ako ng isang lalaki. Pare parehas silang gwapo at miski height.

"I'm sorry. Di ko talaga alam" ani ko na lang. At tumayo, then kinapitan ko ang stroller.

"Hoyy hunghang wala akong pake sayo! Alam mo ba kung magkano ang sapatos nato? "

Then, tinignan ko ang sapatos nyang kumikintab.

"Mas mahal pato sa buhay mo!" He said.

"Stop ace! " singit nung isa.

Boss? Ibig sabihin sya ang pinaka inaangat nila? Tsk! Ayan? Ganyang asal tinatawag nilang boss? Minsan nga mas kinatatakutan ko ang mabait kaysa mga salbahe e.

"Gago ka ba Aaron? Eto titigilan ko? E hindi nga alam ng lalakeng to kung gaano ako kabadtrip ngayon tapos dadagdagan nya ng mas ikagagalit ko! " he said.

Bakit di nya na lang ako diretsuhin? Dami nya pang line na pulot lang naman sa basura.

Wala pa ding reaksyon ang muka ko.

"Ace? Or kung sino ka Man. Hindi ako makikipagsindakan sayo o makikipagaway gaya ng gusto mo. May pamilya pa kasi akong naghihintay sakin, at ayokong sayangin ang oras ko sa lalakeng tulad mo? Ano bang gusto mong sabihin sakin? Bayaran ko ang sapatos mo? Magkano ba yan, triple ko pa? " maangas Kong sabi. Para din matauhan sya kung sino talaga sya? Ako pa naman ayokong iniinis ako dahil demonyo ako magalit.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now