46: mhelbhel reason?

415 10 0
                                    

Ace's pov

Bakit nakaluhod si mhelbhel sa kanya? Ano yun, pinaluhod nya si mhelbhel? Hindi ganung klaseng Tao si nadia. I know her, kahit may galit pa sya Kay mhelbhel hindi nya magagawa yun.

Nandito ako sa bahay, Nasa lamesa ako at kumakain, napapatigil na lang talaga ako sa twing naaalala ko yung kagabi, yung naabutan naming nakaluhod si mhelbhel Kay nadia na umiiyak, na parang nagmamakaawa.

"Sir gising na po si mam" bulong ng maid sakin. Lumabas naman si mhelbhel sa kwarto nyang hawak hawak ang ulo nya. Halatang masakit pa ang ulo nya. Lasing na lasing kasi, dinaig pa ang 'Red Hand' sa kalasingan nya kagabi.

Natuloy naman ang party ni kurt nun, pero may medyo isyu lang sakin pati Kay kurt. Sinasabi ko na nga ba na may gulong mangyayari pag nandun si mhelbhel.

"Ace? " sabi nya, habang nanliliit pa din ang singkit nyang Mata. Halatang nanlalabo pa din ang Mata nya sa hilo.

"Umupo ka dito" ani ko, at inusog ko ang katabing upuan ko para umupo sya. Umupo naman sya, at kinuha ang tubig. Pero pinigilan kong kunin nya ang tubig.

"Kape ang iinumin mo. May hangover ka pa" ani ko, at muling umupo na sa upuan ko. Hinawakan nya naman ang batok nya at inikot ang ulo nya habang nakapikit sa sakit ng ulo nya. Ginusto nya yan e.

"Anong nangyari? " simula nya. At ininom na yung kapeng pinatimpla ko sa maid.

"You didn't know?"

"Tsk! Magtatanong ba ko kung alam ko? " taray nya. Iba ang mood nya ngayon, hindi nya ata ako nilalandi ngayon? Sabagay okay na yun.

"Nagpakalasing ka tapos tatanungin mo ko"

"Edi wag! Sabihin mo lang kung ayaw mong sabihin. Pinapairal mo nanaman kapilosopohan mo" ani nya at umalis na. Meron nga silang pinagusapan na konektado sakin, hindi dapat ganyan ang asal nya sakin, at alam kong meron ding dahilan kung bakit napaka cold sakin ni nadia ngayon, hindi man lang nya ko tawagan or itext ngayon. I want to talk to her.

Nadia's pov

"Napadaan ka? " ani ni Darren Kay kurt. Nasa labas kasi kami, nagdidilig ng halaman. Ganto lagi ang Gawain namin pag tapos naming kumain ng almusal.

Nakalimutan kong itext si ace, pero ano naman sasabihin ko sa kanya pag nagtanong sya tungkol kagabi?

Magpapaubaya ba ko? Pwedeng ikamatay ni mhelbhel ang sinabi nya, alam kong pwede nyang gawin yun para lang Kay ace, pero di naman dapat di ba? Kung Ako ang lalayo.

"Nadia, ang lalim Ata ng iniisip mo? " ani ni kurt na kanina pa pala ako kinakausap. Inaalala ko lang ang magiging kalagayan ni mhelbhel. Ano ng gagawin ko?
"Tungkol ba to kagabi? "

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now