65: Annulment

443 11 0
                                    

"You're here" bungad nya agad sakin ng iharap nya yung upuan sa harap ko.

"Nandito ako para magtrabaho, yun lang" seryoso Kong sabi.

"Yeah I know, kalimutan na lang natin ang nakaraan" parang may sumaksak sa puso ko ng sabihin nya iyon. Ganun na lang ba kadali sa kanya kalimutan ang lahat? Samantala kaninang madaling araw pumunta sya sa bahay?

"Pumunta ka samin kanina, tama? ---" bigla syang sumingit.

"Tanda na oras na pala para kalimutan ka" seryoso nyang sabi at nakatitig sa mga Mata ko.

"That's good"

"Tanggap ka na" ha? Pero di nya pa nakikita yung requirements ko?

"Teka--" natigilan ako ng bumukas yung pinto, pumasok silang lahat ang iingay kasama na si criselda. Kinindatan nya lang ako at lahat na sila nagsipasok kasama ang 'Red Hand'

Natigilan silang lahat ng makita ako, para silang alien or parang nasa larong stop dance, biglang tigil? Akala mo multo ang nakita.

"NADIA?! " sabay sabay silang lahat. Si criselda nagpanggap na ngayon lang ako nakita, for good.

"Yeah it's me, kamusta na kayo? " ngiti ko sa kanila, kumunot na lang ang noo ko ng ngumanga silang lahat, ewan ko? Para silang baliw, ganun ba talaga pagnaiiwan nababaliw? Lahat sila nakatitig lang sakin. "May dumi ba sa muka ko? "

"No, maganda ka pa rin hanggang ngayon" singit ni Aaron. Sya lang naiiba sa members dahil hanggang ngayon seryoso pa din sya.

"Oo nga Nadia, Pero bakit andito ka? " Noel's said.

"Magbabalikan ba kayo? " Kim's said.

"Yes naman! Maghihintay kame! " sigaw ni Matt. Mag abnormal, hindi na mangyayari yun kasi kinalimutan na ko ng owner nyo!

"No, it's just a business nagaapply ako" masaya Kong ani.

"What?! " sabay sabay uli sila miski si Aaron napasama, maliban Kay criselda because she know all about this.

"Nagaapply? " nagtatakang tanong ni Noel.

"Pero hindi ka sanay magtrabaho? " kontra ni Aaron. Pinaghandaan ko na to dahil alam Kong ayaw nila akong pagtrabahuhin.

"It's easy, kaya ko yun don't worry, Aaron" tipid Kong ngiti may mapakita lang sa kanila, ayokong magmukang mahina dahil lang sa reaksyon ko.

Naaalala ko nanaman tuloy sila, sila ang nandyan nung mga araw na sobrang nasaktan ako Kay ace, siguro hindi talaga kami para sa isat isa kaya hindi man lang namin maramdaman ang spark sa mga Mata namin, at kung meron man isa lang iyon sa amin at hindi sapat iyon para masabi na mahal mo pa ang isang Tao.

"Hindi, hindi ka magtratrabaho" pangontra nya.

"Asan ang kambal? " singit ni Adele kaya natigilan ako, hindi ko alam ang isasagot ko. "Para ba iyan sa kambal? "

"Stop that Adele, hindi pa ready si Nadia sabihin satin ang totoo" salo sakin ni criselda. Buti naman dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko. Biglang tumingin sakin si criselda at ngumiti ng nakakaloko. "Right Nadia? Ituloy nyo na ang paguusap nyo para sa pag apply mo"

"Tanggap na sya" natigilan ang lahat. Pati rin pala sila gulat sa biglang pagtanggap sakin ni ace.

"Ace hindi sya magtratrabah--" nagsalita agad si ace kaya hindi na nya naituloy.

"Gusto nya e, may karapatan ba tayong pigilan sya? " seryosong sabi ni ace na hindi maipinta ang reaksyon.

Tama ka ace, wala kayong karapatan pero may lugar pa din kayo sa puso ko dahil napaka saya ng alaalang meron kayo saken.

"She still your wife"

"Pero para sakin hindi na" natigilan ang lahat miski ako.

Siguro nga kinalimutan na nya kung anong meron kami, at ganun na lang kadaling kalimutan ako at mag move-on sa isang salita lang, sana ako din ace pero hirap na hirap ako.

"Aaron tama na, annulment na lang din naman ang hinihintay namin" nabuga ni jhake yung iniinom nyang tubig ng marining nya iyon, at lahat sila gulat na gulat sa sinabi ko, pero Kay ace hindi ko makita sa muka nyang apektado sya muka ngang kinalimutan na nya ako lalo na ang nakaraan namin.

Pero di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, tanging reaksyon ko na lang ang hindi nagiiba kahit luhang luha na ko pinipilit ko pa ring ngumiti.

"Annulment? " takang sabi ni criselda kaya nginitian ko na lang sya, sorry sa nasabi ko pero ang sakit na kasi ng mga sinasabi ni ace tungkol sakin, hindi ko na napigilan.

"Yes criselda, wag kayong magalala mawawala din ako sa buhay nyo" sabi ko, at muling humarap Kay ace para magpaalam. "Thank sir.ace for accepting me, malaking tulong iyon para sa mga anak ko, wala na po kasi akong asawa, alis na po ako" tungo ko, at hanggang sa pagalis ko tumungo na lang ako dahil iyak na ako ng iyak dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Paglabas ko ng pinto napasandal na lang ako sa pader at umupo, bumagsak ako at umiyak ng umiyak, tinakpan ko ng dalawa Kong kamay ang muka ko.

Gusto ko na syang kalimutan pero bakit ayaw nyang mawala sa puso ko? Gustong gusto ko na magmove-on Pero hindi man lang mawala iyon sa puso, million million ko ng sinasabi iyon sa sarili ko pero hindi ko magawa dahil ang hirap kalimutan ng isang tulad nya, isang Clyde Ace Espino ang bad boy sa campus namin na naging asawa ko.

"Hindi nakakaganda sayo ang pagiyak" inangat ko ang ulo ko ng makita ko iyong lalaking nagsalita at nakatayo sa harap ko.

Niyakap ko agad sya dahil ngayon Ko lang sya nakita dito sa pilipinas after 2weeks na nandito kami, at 3years nung nasa London kami.

"Nasasaktan akong makita kang ganyan" hinarap nya ko at pinunasan ang luha ko, feeling ko hirap na hirap akong pigilan ang luha ko.

"Me too" isang babae ang nagsalita mula sa likod ni Kurt kaya parehas kami napatingin.

Mas lalo syang gumanda at sa aura nya mukang nagmatured na sya, nawala ako ng 3yrs sa tabi nya at di ko alam kung pano ako. Makakabawi dito sa bestfriend ko, dito sa dalawa Kong bestfriend. Sobrang namiss ko sila lalo Nat ngayon na lang uli kami nagkita kita after a years.

Niyakap ko din sya, sobrang higpit at parang binawi ko iyon lahat nung mga araw na hindi ko sya nakakausap.

"Nadia I really miss you, I miss my buddy, my best friend? " napangiti ako sa sinabi nya at parang nawala yung sakit na naramdaman ko kanina Kay ace.

"Same way sez" masaya Kong ani at muli syang niyakap, Hays namiss ko tong galgal na to.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now