60: All About Him

367 12 1
                                    

habang nasa elevator kami, hindi ako pinapansin ni Paul. Ngayon lang namin naranasan ang ganitong tampuhan, ewan ko pero parang takot akong hindi nya ako pinapansin, siguro sanay na Kong nandyan sya lagi sa tabi ko.

"Excited na Kong makita sila! " masayang ani ni criselda. Ramdam ko nga, siguro matutuwa ang kambal dahil hindi na kaming dalawa ni Paul ang lagi nilang makikita, ang tita na nila.

Nginitian ko na lang sya at lumabas na nung elevator. Habang naglalakad kami hindi pa rin ako magawang pansinin ni Paul, ang hirap ng sitwasyon namin pag ganito, sobra akong nahihirapan, di naman kasi ako sanay na ganyan sya.

"Yaya were here! " sigaw nya agad pagpasok namin. Oo nag hanap na sya nung maid kahapon lang, kase tutulungan nya akong magapply, kaso pagbalik namin may kasama ng kamag anak yung kambal, hehe.

"Sir" tungo nya Kay Paul. "Sir, wala na pong gatas yung mga bata" bungad nya agad sakin, dirediretso lang si Paul papunta sa kwarto, kukuha yun ng pera para sa kambal, nakaramdam nanaman ako ng hiya.

Bigla namang naglabas ng wallet si criselda at pumunta sa kwarto kung nasan yung maid. Bwiset! Bat ganito? Hindi ako sanay na ibang Tao ang magbibigay ng pera sa kambal, para sa kambal.

Lumabas na si yaya. At tanging ako na lang ang nakatayo dito sa pinto, nakatanga, ewan ko.

Biglang lumabas si criselda na hawak si darzel. Ang sarap tignan, kasi nung hawakan iyon ni criselda hindi man lang umiyak si darzel. Ang sarap tignan kase si criselda na ang kaharap ko, ang kapatid ni ace, ang tita ng anak ko, ang ninang ng anak ko, at higit sa lahat matalik ko ng kaibigan kapatid pa ata ang gusto nya noon. Ngayon nandito na sya uli sa harap ko 3years ago. Nakakalungkot lang tignan dahil kita mong bakat sa mga Mata nya ang tuwa, sabik sa mga bata.

Dahil sakin iyon. Kung hindi ko inilayo sa kanila ang mga bata hindi ganyan kamiseralble ang buhay ni ace. Sana maintindihan nilang para sa bata yung ginawa ko, sobrang hirap para sakin lumayo lahat sa kanila, pero anong magagawa ko? Kailangan kase ayokong may mamatay o may mangyaring masama sino man. Ako na ang lumayo dahil alam ko ako ang punot dulo.

Hanggang sa nakatulog na ang kambal, hindi pa rin sila iniiwan ni criselda. Hanggang sa pagtulog nandun sya at binabantayan, tinabihan ko sya at tinignan ang kambal.

"Ang laki na nila no? " simula ko.

"Yeah, hindi tulad dati sarap nilang buhatin ngayon kase ang taba ang bigat haha! " masayang ani ni criselda. Ramdam ko ang masayang araw nya ngayon dahil sa kambal, hindi nya tinatanggal ang tingin sa kambal.

"Nakikita ko si ace Kay Dwayne kaya halos lahat ng atensyon ko na sakanya" napatingin sakin si criselda nung sabihin ko iyon, ako nakatingin lang sa kambal. "Pero syempre hindi mawawalan ng pwesto sa puso ko ang kamukha ko" sabi ko at hinimas himas yung ulo ni darzel.

"Sana hindi ka na lang lumayo, sana nandito ka 3years ago, edi sana nakita mo ang paghihirap nya" nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng marinig ko iyon, nasasaktan ako para Kay ace. Di ko namalayan tumulo na pala yung luha ko.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu