58: start of him

365 10 0
                                    

"Ano bang pinalalabas mo? Ako pa? " kita ko ang galit sa Mata nya. Ganyan na ba kalaki yung galit nya sakin?

"Nevermind, aalis na lang ako baka kung san pa mapunta tong usapan na to" pagtalikod ko nagsalita nanaman sya. Di nya ba ako papaalisin? At wala ba syang balak na paalisin ako?

"Natatakot ka bang may mapuntahan tong usapan na to? " ikinatigil ko yu, at parang nakaramdam ako ng galit. Bakit parang pinapamuka nya pa sakin? Matagal na yung tapos diba? Di pa ba sya nakakamove on after a years?

Humarap ako sa kanya at tinignan ang Mata nya. Tanginang Mata nya lang.

"Ano pa bang paguusapan natin? May kailangan ba tayong pagusapan? " gusto ko lang ng malinaw. "Baka kasi meron diba?" Seryoso na yung muka naming dalawa, at tanging Mata lang namin ang nakikita namin. Gusto ko syang lapitan, gusto ko syang yakapin dahil bumabalik lahat ng alaala. Pero pinapangunahan ako ng tatlong salita 'hindi na pwede' dapat kalimutan ko na yun, si Paul ang tumatayong tatay sa mga anak ko at hindi ko man kailan man kakailanganin si ace.

"Pano kung meron? At tungkol sa nakaraan? "

"Meron ba tayong nakaraan? "

Bigla syang tumawa.

"Stupid bitter. " ano? Stupid? Bitter? Ganyan na ba ang pinagbago nya? Gaya ng sabi ni Paul? Nagbago? Tsk! Bumalik lang sya sa dating sya, bakit naging ganyan sya pagtapos ng Taon?

"Are you describing yourself? "

"No, I describing you"

Magsusumbatan lang kami dito.

"Tama na! Hindi ko na kailangan pang tumagal dito! Aalis na ko! " tumalikod na ko pero nagsalita nanaman sya. Hindi ba sya titigil! Di ko na kayang makipagmatigasan pa sya kanya!

"Asan yung anak natin! Gusto ko lang silang makita o mahawakan man lang" yung boses nya, naaawa ako sa boses nya. Sa boses nya halatang sabik na syang makita ang anak namin, pero kailangan ko bang ipakita?

Tinignan ko lang sya at muling tumalikod. Pero bago ko buksan yung pinto, ako naman yung nagsalita.

"Pakisabi dun sa secretary, pag ako ininis nya ulit kakalbuhin ko na sya" sabi ko at lumabas na. Paglabas na paglabas ko hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko, pinipigilan ko pero hindi ko talaga kaya.

Naglakad na ko palayo, habang pinupunasan ko yung luha ko, bigla namang may nakabangga akong babae kaya sa sobrang lanta ko natumba ako.

"Bobo ka ba! " pagtingin ko sa kanya, parehas nanlaki yung Mata namin. Si criselda, ibang iba na sya, napakasimple na nya di tulad ng dati ang Arte nyang tignan. "Na.. Nadia? " tumingin sya sa pinto ng office ni ace at muling tumingin sakin. Siguro napaisip sya na galing talaga ako don sa impyernong kwartong yon.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now