29:the month

531 17 0
                                    

Ace's pov

Nandito ko sa office at tulala, sila ang pinapaayos ko sa mga papeles, at mga sched na pupuntahan ko.

Iniisip ko si nadia, yung sinabi nya kagabi. Totohanin nya ba yun? Bakit kung kailan sineryoso ko na sya tsaka sya nagkaka ganyan?

4 buwan na ang nakakalipas, at alam na rin ni lolo ang nangyare, pero sinabi ko lang Kay lolo na nagaway lang kami kaya naintindihan nya naman ako. Ansabi naman ni lolo kung sakali mag kaayos kami ni nadia, babalik daw uli si Ms.Madriaga, 3months daw ulit magchecheck. Antanong magkakabalikan pa ba kami? Ewan ko kung san na ngayon nakatira si nadia, dahil wala akong balita sa kanya. Si mhelbel, ay naka MU ko ulit.

"Hays di pa rin talaga ako makapaniwala" simula ni Adele, lagi naman naming topic si nadia, sa tuwing nandito kaming lahat sa office. Pero ako pinakikinggan lang sila dahil ayoko rin namang magsalita dahil baka bigyan nila ng kahulugan.

"Naano? Na wala na talaga si nadia? Na di na talaga natin sya nakikita at nakakasama? " ani naman ni Noel. Kahit kailan talaga ang bunganga nya.

"Nga pala ace, do you remember? Ngayong month na manganganak si nadia" singit naman ni Aaron na ikitinahimik ko, sa sobrang busy ko ay nakalimutan kona na manganganak na pala si nadia. Ang sabi ko nga pala noon Kay nadia, ay parehas kaming magbibigay ng pangalan sa bata, ngunit nawala yun lahat ng parang bula.

"Boss? Baka nakalimutan mo na? " ani naman ni Lester. Hindi ko masagot ang mga tanong nila dahil wala pa rin reaksyon ang muka ko, at iniisip lang ang mga nangyayare ngayon.

Bat nagkaganito ang buhay ko?

"Hindi ako tanga, malamang" ani ko, at muli ng inayos ang papeles na mga nakakalat sa lamesa ko. Para makaalis na, para makatakas sa mga tanong nila.

Darren's pov

"Be, wala ka na ba talagang balak? " ani ko, dito na nakatira si nadia samin. Hindi sya nakatira kaynila criselda dahil ang utos daw ni ace Kay criselda ay wag syang patirahin dun, siguro ay dala lang yun ng galit ni ace, grabe ang ugali ni ace di ba? Asawa nya gaganyanin nya, lalo Nat buntis pa ito.

"Darren, ilang tanong mo na ba yan?" Sabi ni nadia, habang nagtitiklop ng damit. Oo yan lang ang libangan nya, kapag natapos ng malabhan ang damit nya, hindi nya pinapatiklop sa maid. Dahil ang gusto nya sya ang gumawa, para naman daw may silbi sya.

"Hindi kasi be---"

"Tama na, tama na pls? Ayoko na e" singit nya habang nagsasalita ako, at inalisan ako. Alam kong may galit pa din sya dahil sa ginawa ko, hindi ko naman alam na ganun pala ang kakalabasan.

Ramdam ko naman din sya e, naaawa na nga talaga ako e, kasi bakit gagawin yun ni ace e magkakaanak na sila? Hindi ako naniniwala.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now