26:I'm pregnant!

611 15 0
                                    

Darren's pov

Nandito ako sa hospital, hinahanap ko na lang ang doktor. Bakit ganun makaiyak si nadia? E di naman sya buntis di ba?

"Miss, asan yung doktor ng 106" ani ko dun sa nurse, halatang secretary lang sya.

"Private mam? "

"Oo" tipid na ngiti ko.

"Ayun po sya mam? " turo nya dun sa, dating doktor ni nadia, yung pinakiusapan ni nadia na hwag sabihin kahit kanino na hindi sya buntis.

Alam kong ganun pa din ang balita nya sakin.

"Ms.Panganiban?" Hawak ko sa braso nya, may sinusulat kasi sya sa may listahan ata ng mga gamot o Ewan?

"Oh? Ms.Escobar?" Sabi nya para makasigurado, nakasalamin kasi sya kaya kung magtaka sya parang hindi nya talaga ako kilala.

"Opo, ako po ito. Ms.Panganiban, itatanong ko lang Sana ang kalagayan ngayon ni nadia lindse Austria" aji ko, at kumunot ang noo nya, alam kong ganun pa din ang sasabihin nya kaya d na ko na curious.

"Ahh si Mrs.Austria, yes, she's pregnant"

"WHAT! " sigaw ko, napatapik ako sa bibig ko, dahil nagulat lang naman ako. Parang Mali ang doktor? Pano nangyari yun?

"Oo, ngayon nyo lang nalaman. Kaya nagdugo ang hita nya dahil muntik na sya makunan, kung hindi kumapit ng maigi ang bata, siguradong wala na ito" sabi ni Ms.Panganiban, fuck! Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ganun na lang maka react si nadia kanina?

"So, buhay pa ang bata? " mahina kong sabi, dahil nakakahiya napasigaw ako ng malakas.

"Oo, kaya dapat alalayan nyo sya, lalo na ang asawa" sabi ni Ms.Panganiban at umalis na dahil tinawag sya ng nurse.

Habang naglalakad ako, pinagiisipan ko pa din ang kalagayan ni nadia ngayon. Pano sya nabuntis? Hindi talaga ako makapaniwala, may nangyari nanaman ba sa kanila?

Pagpasok ko ng pinto bumungad silang lahat sakin. Inaabangan nila ang balitang sasabihin ko.

"Die? "

"No, buhay sya. Muntik lang daw makunan" ani ko, at huminga ng malalim. Tinignan ko si nadia, bakat sa muka nya ang taka.

"Nanaman? Di ba yan na ang sinabi mo noon? " singit ni Noel, letcheng lalaki to! Kahit kailan talaga, takas na nga ako sa ibang tanong e!

"Normal lang daw yun sa isang buntis, bangag ka? " ani ko, at tinarayan sya, alam kong napaisip sya pero yun na ang pumasok sa kokote ko.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now