31:for my bestfriend

553 15 0
                                    

Ace's pov

"Edi ngayon mangangako ako" ani kp, gusto ko maginhawaan dahil nakita ko ulit ang mala dyosa nyang muka, at mga matang kulay blue. Ramdam ko ang galit nya, pero Sana maayos namin to.

"Para saan pa? Kailangan ba? Kay mhelbel mo na lang yan ipangako" sabi nya, at balak na tumayo, binaba nya ang paa nya at tumayo. Nang magsimula syang maglakad, bigla syang napatumba kaya sinalo ko sya.

Nagkatitigan nanaman kami.

"Tandaan mo, kanganganak mo lang" ani ko, at dahan dahan ko syang itinayo at ibinalik sa Kama.

"Lumayas ka na nga dito, pahamak ka e" taray nya.

"Ayoko, gusto ko pang makita ang taong mahal ko" bigla kong salita, alam kong parang nagslomotion iyon, dahil sa tagal naming di nagkita ni nadia, ay siguro mahal ko pa sya non.

Alam kong nagulat sya nung sabihin ko iyon, napatagil kaing dalawa at nagkatitigan.

"Tama na yung madaming beses ace, ikaw na mismo yung tumapos" ani nya, at inayos yung kumot para mahiga sya.

Hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya, at salita. Hindi ako makapaniwala na babalewalain na lang ako ng ganito ni nadia. Ano ba talaga kasi ang dahilan? Bukod ba Kay nico meron pa ba?

Nico's pov

"Salamat, magkano bato? " silip ko sa sobreng binigay sakin ni mhelbel, dapat ay tapos na ang plano ngunit nanganak si nadia. Kaya binigyan nya ulit ako ng pera.

"50k pag nagawa ang Plano yan na ang buo, pero kapag hindi. Kukunin ko ang 30k" ani nya, at tumalikod na para pumasok sa loob, sayang sya ang ganda pa naman nya tapos naninira sya ng ibang Tao.

"Ano? Hindi naman pwede yun" angal ko, kaya napatigil sya sa paglalakad.

"Ikaw pa may ganang umangal? Buti nga ay may paggamot ka na sa anak mo" ani nya at tinarayan ako, sabagay ay tama sya, kailangan ko tong pera para sa anak kong may cancer. Kundi dahil sa kanya ay patay na ang anak ko.

At tuluyan na syang pumasok sa bahay nila, pinapunta nya kasi ako dahil sa bago nyang Plano, ano bang magagawa ko? E kailangan ko din ng pera.

"Nico? " paglingon ko nakita ko si darren, na papunta dito sa bahay nila ace. Anong ginagawa nya dito?
"Anong ginagawa mo dito? "

At tinignan nya yung hawak kong sobre, kaya inilagay ko ito sa likod ko.

"Ha? Kase... Ano.. Pinuntahan ko si nadia! " ani ko, hindi ko alam kung ano idadahilan ko dahil galing din naman ako sa loob.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now